IV: Mapang-akit

7 0 0
                                    

"Ano bang meron sa kanya? Bakit niya ako nasabihan ng gano'n?"

"Nababaliw na ba siya?"

"Imposible naman na maramdaman niya agad iyon."

"Ano kaya ang balak niya sa'kin?"

Hindi mapakali si Julia. Hindi niya man lang maipikit ang mga mata niya dahil sa kakaisip sa mga sinabi ng nakilala niyang lalaki sa selebrasyon ng kaarawan niya. Siyempre, kahit na hindi pa siya nakakaranas ng ganitong relasyon. Katulad din naman ng ibang babae na natatakot masaktan.

.'~O~'.

Kinahapunan, nagising na rin si Rain mula nang matulog siya nang madaling araw. Nagunat-unat siya na tila umaga na. Suot ang kanyang puting t-shirt at shorts na pantulog. Tila ordinaryong araw lang. Lumabas ng kwarto nang hindi man lang nag-aayos ng buhok.

"Marco... anong nangyare?" Tila walang nangyari noong madaling araw bago siya matulog.

"Pare! Hindi mo alam ang nangyari kanina?" Nakangiti pang pagkasabi ni Marco sa kaibigan niya.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Hala, anong nangyari sayo? Hindi ka naman uminom... Nabangag ka na pre." Pabirong sabi ni Marco at saka siya tumawa ng malakas.

"Iuntog mo muna 'yung sarili mo baka maalala mo. O kaya ay kumain ka na muna. Heto, nagluto ako ng adobo." Dag-dag pa niya habang nag-iisip si Rain kung ano ang nangyari.

"Oo, nga pala. Galing tayo sa party diba? Pasensya na, napahaba yata tulog ko."

"Teka, si Julia... siya pala 'yung may birthday kahapon. Hindi ko nga pala siya nabigyan ng regalo. Gusto ko nga pala siyang pasalamatan."

"Marco, puwede mo ba akong samahan?"

"Hah? Saan naman?"

.'~O~'.

"Ate, may bisita ka sa baba, naghihintay. Dali, mag-ayos ka na!"

"Janice! ano ba 'yan? Ang sarap pa ng higa ko dito eh."

"Ate, may tatlong dahilan ako kung bakit kita ginigising."

"Ano nanaman ba 'yun?"

"Una sa lahat, alas-sais na ng hapon, kakain na tayo ng hapunan. Pangalawa, may bisita ka sa baba, naghihintay! Pangatlo, ang gwapo ng lalaki sa baba!"

"Ay nako! Janice... sino ba 'yang lalaki sa baba na 'yan? Si Marco nanaman ba 'yan? Hayaan mo na, pakisabi na lang na napagod ako, gusto ko lang magpahinga."

"Ate, hindi si Marco ang nasa baba."

Nagulat si Julia sa sinabi ng kapatid niya. Agad siyang nag-ayos at dali-daling bumaba ng hagdan. Hindi niya inakalang nagtugma ang nasa isip niya sa nangyari. Nakita niya si Rain na nasa sala.

Maya-maya ay bumaba na rin siya. Nagkita na silang dalawa. Nagkatitigan sila nang ilang segundo pero, natigilan lang nang naisip ni Rain na lapitan si Julia.

"Pasensya na kung naabala kita ah. Baka naiistorbo kita. Naisip ko lang na dumaan dito dahil alam kong wala pa akong regalo sayo."

"Regalo? Saka, ayos lang naman sa'kin na nandito ka. Hindi mo naman ako naistorbo. Salamat at napadaan ka. Pero, saan ka nga ba pupunta at napadaan ka dito?"

Napangiti si Rain na tila nangloloko. Habang sa loob-loob ni Julia ay masayang-masaya siya dahil nakita niya ulit si Rain.

"...secret! Kung gusto mo malaman, sumama ka sa'kin." Sa pagkakataong iyon, sa wakas ay napangiti na rin si Julia. Aminado siya na masayang kasama si Rain. Kaya't hindi na siya nag alangan na sumama sa kanya.

"Asaan na kaya si Marco? Hindi ko siya makita. Baka iniwanan nanaman niya ako." Hinahanap niya si Marco sa labas dahil doon niya ito iniwan. "Nakakainis naman oh! Bakit ngayon pa Marco? Mababatukan kita mamaya." Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Napansin ito ni Julia. "Bakit? May problema ba?" Agad namang sumagot si Rain at tinanggi niyang meron ngang problema.

"Tara na. Kailangan kitang ihatid nang maaga bago ka pa makatulugan ng mga katulong niyo dito."

"Hahahaha. Talaga lang hah? Sige, para hindi masayang oras natin."

Sumakay na sila sa sasakyan na ginamit ni Rain papunta sa bahay ni Julia. Kulay pula ito, ang paboritong kulay ni Marco. Malamang, hindi kay Rain ang sasakyan. Pero, bakit kaya nawala na lang bigla si Marco nang di niya dala ang sasakyan? Iyon na rin ang pagtataka ni Rain kanina.

Habang nasa biyahe, tila nawalan sila ng dila. Hindi sila makapag usap. Magkaiba ang kanilang iniisip pero, nagbago ang ihip ng hangin nang biglang mabanggit ni Julia ang babaeng kasami ni Rain kahapon. "Nakilala ko siya n'ung naghahanap kami ng mauupuan." Seryoso ang naging tono ng boses ni Rain kaya't hindi niya maisip kung anong magiging reaksyon nito sa mga susunod niyang sasabihin.

"Diba Cynthia ang pangalan niya? Nakakapagtaka lang kasi hindi siya pamilyar sa akin pero imbitado siya." Sa pagkakataon na iyon, nakita ni Julia ang reaksyon ni Rain. Tila nagulat si Rain sa sinabi ni Julia. "Gusto mo bang alamin natin kung sino siya?" Narinig ni Julia ang sinabi ni Rain pero, wala siyang nasabing sagot. "Kung iyon man ang nakakagulo sa isip mo, mas mabuting solusyonan natin diba?" Dagdag pa ni Rain. "Sige, sa tingin ko nga..."

Nanahimik nanaman ang dalawa. Siguro, dahil sa ito ang una nilang pagkakataon na magkasama na silang dalawa lang. Solo nila ang oras ng isa't-isa. Nang makarating sila sa pupuntahan, doon na sila nagkausap ng matino. Habang namamangha si Julia sa mga nakikita niya, sa loob-loob ni Rain ay masaya siya.

Sila ay nasa isang hardin na puro bulaklak at paru-paro. Maayos ang pagkaka-tanim ng mga halaman sa hardin. Iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang nakikita. Iba't-ibang paru-paro din ang namumuhay sa hardin. Habang naglalakad sila, naikekwento ni Rain ang tungkol sa lugar na iyon.

"Alam mo ba, malaki na ang ikinaganda nitong hardin na ito."

"Talaga?! Madalas ka ba dito?"

"Oo. Ito ang dati kong pinagtatatambayan kapag gusto kong maging mapag-isa. Nakakaginhawa ng pakiramdam ang lugar na ito. Mawawala ang lungkot at galit o kahit ano mang negative vibes."

"Sa tingin ko nga. Nakakaaliw kasi ang mga paru-paro."

"Gusto mong maupo sandali?" Hindi pa man nakakapagsalita si Julia ay hinawakan na niya ang kamay nito para dalhin sa mas magandang lugar.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta! Matutuwa ka."

Namangha si Julia sa nakita niya. Isang artificial waterfalls. Mukha itong totoo. Mayroon ding makikitang iba't-ibang uri ng isda sa pond.

"Mukha itong paraiso! Ang ganda! Sobrang ganda!" Sa tuwa ni Julia ay napayakap siya ka Rain.

"Salamat sa pagyaya sa akin dito. Napasaya mo'ko!"

"Walang anuman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vocaloid: Romeo At Cinderella (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon