III: Juliet~

17 0 0
                                    

"Pasensya na kung hindi ako nakatulong. Kung kilala ko lang 'yung babae, sana nasagot ko ang mga tanong mo." Pag-aalalang sagot ni Julia kay Rain. "Pero, puwede ko naman itanong sa mga sigurado akong nakakalaam."

"Alam niyo, 'wag muna kayo mag alala tungkol diyan. Magsaya na muna tayo." Naisip ni Marco na hindi naman siguro malaking problema ang pinoproblema nila kaya't masusulusyunan naman ito agad. Ang seryosong usapan ay naging masayang kwentuhan nang magkwento si Marco.

"Alam mo, si Julia, para siyang prinsesa. Pero, hindi halata sa kanya dahil sa mga kilos niya." Sabi ni Marco na tila may ipinararating kay Rain. Sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang tungkol kay Cynthia at nakinig sa kwento ni Marco. Naging interesado naman siya dahil hindi pa niya kilala si Julia ng lubos. "Hindi siya 'yung tipo ng babae na mahilig makipagkwentuhan sa mga kaibigan niyang babae." Nang sabihin ito ni Marco, nagtaka si Rain dahil naisip niya kung paano siya nagkaroon ng maraming bisita na babae na nakita niyang nakikipagbeso-beso pa sa kanya. "Madalas niyang kasama ang mga lalaki niyang kaibigan, pero, nakapagtataka dahil mas marami siyang babaeng kaibigan." Nagsalita na sa wakas ang taong tinutukoy. "Hindi kasi sila nagtagal. Sana nga at napakilala ko sila sainyo."

Si Julia ay kilala bilang isang tahimik na babae. Hindi siya mahilig makipag-usap, maliban na lang kung si Marco ang kasama niya. Matagal na silang magkaibigan. Simula nang maging magkaklase sila sa Highschool.

"Mabait siya, Masipag, maaasahan, matalino, maganda... at mayaman! Pero, hindi siya napapansin ng mga lalaking gusto niya dahil sa mga lalaki niyang kaibigan. Hahahahahahah!" Nabigla naman si Julia kaya napatanggi siya sa mga narinig niya. "Namumula ka yata? Totoo naman 'yung sinabi ko diba?" Hindi na nakapagsalita si Marco dahil napipikon na ang kaibigan niya.

"Hindi naman siguro masama kung magkakagusto ako diba? Pero, hindi naman siguro kailangan na sabihin mo pa 'yun" Nahihiyang sabi niya kay Marco na tila natatawa pa. "Hindi ka babaeng-babae, pero sa loob mo, babae ka parin. Kahit hindi ka babae kumilos, kung bibihisan ka at susundin mo ang nasa loob mo, lalabas kang tunay na babae." Nagsalita ang taong kanina lang ay nakikinig. Kumportable naman siya kasama. Hindi mahirap pakisamahan. Hindi naman malabong magustuhan ito ni Rain. Katulad nga ng napansin niya no'ng una niya itong nakita.

"Salamat, Rain." Iyon na lang ang nasabi ng dalaga. Sa loob-looban niya, ang puso niya ay tumatalon sa tuwa. Minsan sa buhay niya ay walang nagsabi sa kanya ng mga bagay na iyon.

Isang oras pa lang ang nakakalipas ay natapos na nang kanilang kwentuhan. Nagkaroon sila ng pagkakataon na gawin ang gusto nilang mangyari sa mga natitirang oras ng party. Nagsasaya ang lahat habang hinihintay na matapos ang pagdiriwang. May mga sumasayaw. Maraming nagkwe-kwentuhan. Ngunit may isang tao ang nagiisa sa labas at pinagmamasdan ang mga bituin. Hindi niya iniisip kung ano ang mga nasa loob, kahit na siya ang inaasahan ng lahat. "Matagal na akong hindi nakakakita ng taong mamahalin ako. Sana, ngayong tunay na dalaga na ako, makita ko na siya." Dahil sa pagiging prinsesa, hindi niya naranasan magkaroon ng boyfriend. Ngunit, may kilala siyang lalaki na matagal na niyang hindi nakikita simula nang magkahiwalay sila nang sila ay bata pa. Minahal siya ng lalaking 'yon, ngunit hindi pa niya alam ang tungkol sa pag-ibig kaya't hindi niya iyon tinanggap.

"Anong ginagawa mo at nag-iisa ka?" Tinapik siya ni Rain sa balikat at bigla siyang napalingon. Sa paglingon niya ay nakita niya agad ang mukha ni Rain na malapit sa kanya. Hindi agad nakasagot si Julia. Ilang segundo din ang itinagal nang maisipan niya na tumalikod ulit kay Rain. "Ah... Wala, gusto ko lang makita ang mga bituin. Ang ganda nila diba?" Pilit niyang kinakalimutan ang nangyari pero naaalala niya parin."Ang ganda ng mga mata mo. Bakit nga ba walang nagkakagusto sayo? Kwentuhan mo naman ako." Lalo lang siyang nawalan ng sasabihin nang marinig ang sinabi ni Rain.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pero, naisip niya na ikwento na lang ang nangyari sa kanya noong bata pa siya. Ikinuwento niya ang tungkol sa isang batang lalaki na nagkagusto sa kanya noong bata pa siya dahil iyon lamang ang maikukwento niya na may kinalaman sa pag-ibig. "Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan, kasi hindi naman ako ganito ka-ganda noon. Isa lang akong ordinaryong bata na pinaghihigpitan dahil ayaw nila akong mapahamak." Nagtaka si Rain dahil hindi niya maisip kung anong itsura ni Julia noong bata pa ito. "Maraming bata ang naglalaro sa labas at naaalala ko pa 'yon. Naiinggit ako sa kanila dahil masaya sila kahit hindi sila mayaman. Habang ako ay nakatanaw na lang sa bintana at pinapanood sila."  Lahat nang sinabi ni Julia ay may kasunod na tanong niya."Nasaan na siya ngayon? Nakakausap mo pa ba siya?" Sinagot naman ito ni Julia nang walang alinlangan. "Hindi ko na alam." Natahimik naman si Rain dahil ayaw na niyang maging malungkot ang usapan nila.

Maya-maya ay nakakita sila ng bulalakaw. Agad na humiling si Julia bago pa man ito mawala sa paningin niya. "Ano pa bang hihilingin ng isang babaeng nasa kanya na ang lahat?" Tanong ni Rain sa kanya. "Nagkakamali kayo nang akalang nasa 'kin na ang lahat. Dahil hindi ko pa alam kung paano magmahal. Sana ay may magturo sa'kin kung paano iyon." Agad namang lumapit si Rain sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Natupad na ang hiling mo."

Vocaloid: Romeo At Cinderella (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon