"Happy Birthday Julia!" Masayang bati nila sa'kin nang makita ko ang mga kaibigan ko bago pa man maghanda para sa selebrasyon. "Ah, sige... Mauna na ko! Maghahanda pa kasi ako para sa party. Punta kayo ah! Aasahan ko kayo!"
Excited na ko para mamaya. Sa tagal-tagal ng pagiging strikto sa'kin ng mga magulang ko, ngayon ay makakalaya na ako kahit papaano. Pangako nila sa'kin na puwede na ako magkaroon ako ng sariling desisyon ngayong mag de-debut na ko. Matutupad ko na ang mga pinaplano ko sa buhay. Mararanasan ko na rin ang mga bagay na dati ay hindi ko pa nararanasan. Ngayong araw na 'to... Maraming magbabago.
.'~O~'.
"Hello everyone!" Lahat ng tao sa party ay nakuha ang atensyon. "I'm Janice, the younger sister of the birthday girl! I know that you all have some fun. Pero, maaari ko bang makuha ang atensyon ng mga nasa labas?" Sa wakas ay pumasok na ang lahat sa loob para marinig ang sasabihin. Maliban sa isang lalaki na ayaw pumasok.
"Rain! Tara na! Papakilala kita sa friend ko. 'Wag ka ngang maging loner diyan. Dapat mag-celebrate tayo!"
"Mamaya na lang." Tanggi naman niya. Mas gusto niya yata na mag-isa siya kaysa makipaghalubilo sa mga taong hindi niya kilala at malayo sa kanya.
Si Rain, siya ay isang lalaki na hindi kilala ng kahit sino sa party. Hindi siya taga-malapit. Isa lang naman ang kilala niya, 'yung taong nagdala sa kanya na ang pangalan ay Marco.
"Sigurado ka bang ayaw mo pumasok? Lalabas na 'yung birthday girl! Tara." Sabay hila sa kanya ni Marco.
Nagpapalakpakan ang mga tao nang magsalita ang kapatid ni Julia na si Janice. "Let's all give her a big round of aplause, my big sister, Julia! Happy birthday ate!" Nagpalakpakan ang mga tao habang bumababa si Julia.
"Rain, siya nga pala ang kaibigan ko, si Julia." Napatingin lang si Rain kay Julia. Maganda siya. Maputi, may mahabang buhok na kasing-kulay ng rosas. Pero hindi niya kilala kaya't hindi niya alam kung mabait.
"Excuse me." May isang babaeng dumating. Kakadating niya lang. Kinalabit niya si Rain. "Saan pa may bakanteng upuan?" Hindi siya makasagot kaya mautal-utal siya sa pagsagot.
Maganda ang babaing iyon. Mahaba at berde ang buhok at kasing-kulay ng kanyang mga mata. Pero, parang mas bata siya tingnan sa lahat ng mga nakikisayang teenager. Mga nasa 15 ang pagkatansiya niya sa edad ng babaeng ito.
"Sorry. kung naabala pa kita. Ako na lang ang maghahanap. Salamat"
"Ah, hindi. Hahanapan na lang kita. Bagong dating lang din naman ako kaya't di pa rin ako nakakahanap ng mauupuan ko." Hinawakan niya sa braso ang babaeng iyon.
"Salamat." Nginitian siya ng babae. "Ako nga pala si Cynthia." Inabot niya ang kanyang kamay para makipagkamay kay Rain. "Cynthia... ako nga pala si Rain".
.'~O~'.
"Hi Marco. Kumusta ka na?"
"Heto, ayos lang. Nag-eenjoy sa party mo."
"Sa bagay... halata naman diba? May kasama ka ba?"
"Ah oo. Meron. Sandali lang, tatawagin ko lang." Sabay alis niya sa harap ni Julia.
"Oy, pare... kanina pa kita hinahanap. Ipapakilala kita sa kaibigan ko. Tara." Nakita ni Marco si Rain na may kasamang babae. "Oh. Akala ko ba wala kang kilala dito kung hindi ako? Sino siya? Pakilala mo naman ako sakanya."
"Cynthia, siya nga pala ang kaibigan ko, si Marco. Marco, si Cynthia. Nakilala ko lang siya kanina."
"Ah. kaya pala nawala ka bigla. Tara na. Cynthia, excuse us." Sabay hila kay Rain papunta kay Julia.
"Julia, si Rain, kaibigan ko. Rain, si Julia nga pala, ang best not-so-girl friend ko."
"Grabe ka naman! Kailangan pa bang sabihin 'yan? Rain, by the way, salamat sa pagsama sa party." Nakangiti siyang binanggit iyon kay Rain.
Napansin ni Rain na hindi naman halata kay Julia na may pagka-boyish ito. Sa katunayan ay napansin pa niya na ang ganda nito at tila alagang-alaga siya. Naka-dress siya pero, bagay na bagay talaga sa kanya ang suot lalo na ang kulay ay bumabagay sa kanyang buhok na nakalaylay lang sa kanyang likod.
BINABASA MO ANG
Vocaloid: Romeo At Cinderella (On hold)
RomanceRomeo and Cinderella (Romeo to Shinderera) is a vocaloid song about a tragic love story (ON GOING). It is a fanmade story that is in tagalog/Filipino. Masasabi ko na hindi ko siya gaanong naitulad sa orihinal na kanta, pero may mga dahilan naman na...