I'm a GAY...yes a GAY. Pusong babae na nakakulong sa katawan ng isang lalake.
Masakit isipin nadi-discriminate kaming mga nakapaloob sa LGBT+, ang sakit lalo na kapag sinasaktan ka hindi lang emotionally but also physically. They treat us like a garbage, parang walang halaga sa mundo dahil lang naiiba kame sa kanila.
Pero ang swerte ko dahil kahit na bakla ako mahal at tanggap ako ng pamilya, kaibigan, at mga kaklase ko di nila ako tinuturing na iba they treat me equally.
"Jay! Ikaw na oh." Untag sakin ng kagrupo ko sa Academics si Kristyla.
"Ay ako naba?." Natatawang sabi ko. Grabe diko alam na natutula na pala ako dito masyadong malalim na pala yung mga naiisip ko.
Tatayo na sana ako para mag-report sa harap dahil si kristyla naman ang gumawa ng report ako na ang nag-volunteer para mag-report sa harap. Pero naudlot yun ng may kumatok sa pintuan ng classroom namin.
"Good morning po ma'am, may I excuse Mr. Bartolome? Pinapatawag po sya ni Maam Chit."
"Jay?." Sabi ni maam. "Sige na iba nalang ang magre-report." Kinuha nito ang one fourth na papel kung saan naka-sulat ang mga pangalan ng grupo namin.
"Kristyla ikaw nalang ang mag-report." Tumayo agad naman ito at ngumiti sakin.
"Ako na jay."
"Sige thank you ah, babawe ako next time." Sabi ko bago ako pumunta sa pintuan at lumabas na.
"Kuya jay punta ka nalang kay maam ah may klase pa ako eh."
"Sige sige." Nginitian ko sya gumanti naman ito ng ngiti sakin bago tumakbo.
Nakarating din agad ako sa principal office kumatok muna ako bago pumasok.
"Maam pinapatawag mo daw po ako?." Umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa nya.
Itinigil nya din ang ginagawa nang maka-upo na ako. Tiningnan nya ako at ngumiti.
"Mr. Bartolome, pinatawag kita kasi gusto ko sanang samahan mo si Ms. Salvador sa orientation for research wala kasi syang kasama at sinabi nya na ikaw nalang daw. Is that okay with you Mr. Bartolome?."
"Yes maam."
"Alright thank you for your time." She smiled at me.
"Thank you din po." Tumayo na ako at pumunta sa pintuan upang lumabas.
Pagbalik ko sa classroom tapos na ang time ng acad namin break time na. Nilapitan ko agad si kristyla para magtanong.
"Kris, anyare sa reporting?." Ngumiti naman ito sakin.
"Tayo ang highest jay."
"Ang galing mo talaga!." Ngumiti ako sa kanya matalino talaga itong si kristyla isa sya sa laging nakakalaban ko sa acad at essay.
"Kaya nga eh ang daya HAHA." Si vladimir. Di ko nga alam kung anong nakain ng magulang nito at vladimir ang ipinangalan sa kanya pero okay narin kasi gwapo naman si vladimir ang puti nya kaya tapos red lips pa pwede na nga pumalit kay edward collin ito eh.
"Daya? Duh madali lang naman kasi yun eh." Tumatawang sabi ni kristyla.
"Buti nalang ka-group kita Kris." Sabat nitong si Eric yung crush ko, seatmate ni kristyla. Oo crush, moreno sya sobrang tangos ng ilong at matangkad.
"Thanks me later." Natatawang sabi ni kris samin sabay flip ng hair ang bruha.
"Charot, punta na akong canteen." Tumayo na ito at lumabas ng classroom. Umalis narin si Vladimir.
Kame nalang ni Eric ang natira aalis na sana ako pero nagsalita ito nagulat ako kasi never nya akong kinausap.
"Hi jay." Ngumiti si Eric sakin.
Shittt!! Ang sarap este ang gwapo!
"Hi." Nakayuko kong sabi nahihiya kasi ako sa kanya nakakatunaw yung mga titig nya sakin. Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang baba ko at iniangat ito para mag-tama ang aming paningin.
Namula agad ako. Ngumiti ito
"Your cute. Wag kang yuyuko pag-kinakausap kita okay? Sayang ang ganda mo jay." He said before he left.
Like what the fuck and heck!! Did he just say cute at maganda ako? For the first time.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
-Meaw..
YOU ARE READING
JUST TODAY
Short StoryI love you.. Gusto kita!.. Kahit parehas tayong lalake mahal kita!! PLEASE!! LOVED ME even.... JUST TODAY.........