Sabado ngayon nasa bahay lang ako wala namang project at assignment ang pinagawa kahapon kaya wala akong ginagawa ngayon sa bahay nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Napabalikwas ako ng higa ng may kumatok sa kwarto ko.
"Anak?." Si Mama. Bumukas ang pinto at pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Ma? Bakit po?." Umupo ako sa kama.
"Anak may lalaking naghahanap sayo sa baba, classmate mo daw." Lumabas na rin agad si Mama sa kwarto ko.
Bumaba ako sa agad baka may gagawin sa school at kailangan ako. Pero pagbaba ko diko inaasahan ang nakita ko. S-si Eric??
Prenteng naka-upo ito sa sofa. Lumingon ito sakin at ngumiti.
"Oy bakit ka nandito?." Ngumiti ito ulit sakin medyo nahahalata ko na nitong mga nakaraang araw sakin lang sya ngumingiti.
"Magpalit ka." Huh? Bakit?
"B-bakit?." Tanong ko at nagkamot sa ulo ko.
"Date tayo." Ah date lang pala wait!? Date??
"Date?." Para sigurado ba ako ng narinig.
"Yeah date." Kinindatan nya ako.
"Pero di ako papayagan." Lumabas bigla si Mama sa kusina habang naka-ngiti.
"Napaalam na kita." Tumingin ako kay Mama at tumango sya.
"Sige na anak akong bahala sa papa mo." Kumindat si Mama sakin. Wala na akong magawa kesa naman mabored ako sa bahay.
Umakyat ako ng kwarto at nagpalit puro panlalake ang damit ko okay lang kaya? Ah basta bahala na....
White vneck, black fitted jeans at white shoes lang ang sinuot ko masyadong matagal kapag pumili pa ako ng susuotin. Bumaba ako ulit at lumapit sa kanya. He looked at me up and down.
"Tara?."
"Ang ganda mo." Namula na naman ako, bakit ba ang hilig akong pakiligin ng lalaking to.
"Thanks." Pumunta ako sa kusina para magpaalam na kay Mama nakasunod lang si Eric sa likod ko.
"Tita alis napo kame, iingatan kopo tong prinsesa nyo." I look at him and he just smiled at me.
"Sige iho ingatan mo'to ah." Tumingin ako kay Mama at lumapit para mahalikan ko sya sa pisngi.
"Ma, alis napo kame ah."
"Sige anak mag-ingat ah." She kissed me also in my cheeks.
Lumabas na kame sa gate akala ko magko-commute kame kaya nagtataka ako kung bakit nya ako inabutan ng helmet. I frown and he sigh. Kinuha nya ang helmet at sya na ang nagsuot sakin nito.
Sumakay na sya ng motor nya pero di parin ako sumasakay. Kasi natatakot ako first time kong makasakay sa motor kadalasan yung mga sasakyang may tatlo at higit pang gulong na sasakyan ang aking nasakyan dipa ako nakakasakay sa motor.
"Hey it's alright, okay lang yan." He looked at me and smiled. Medyo nabawasan ang kaba ko don pero syempre natatakot parin ako. But i know I have no choice so sumakay na ako sa likod nya pero bago nya ulit pinaandar ay hinawakan nya ang dalawa kong kamay at niyakap sa kanya. Lumakas bigla yung tibok ng puso ko shit baka nararamdaman nya.
"Yakap ka sakin baka mahulog ka gusto ko sakin kalang mahulog." W-what? Mahulog?
Yumakap nalang ako at dinama ang hangin, maya maya nakarating na rin kame sa mall. Sa mall lang pala ang punta namin. Bumababa na ako at tinanggal ang helmet sa aking ulo at inabot sa kanya.
"Hey babe." Di ako lumingon malay ko ba kung sino yung tinawag nyang babe.
"Hey babe, jay look at me." Lumingon ako ng may pagtataka. Did he just call me babe?
"Anong sabi mo?." I looked at him.
"I said babe look at me." He smiled. "Sakin lang ang tingin ganda." Lumapit sya sakin at kinuha ang kamay ko and intertwined our hands, pumasok kame sa mall nang naka-holding hands lahat ng nadadaan namin napapalingon at tumitingin sa kamay naming magkahawak.
Yumuko na lang ako kasi nahihiya ako sa tingin ng mga tao naakala mo may ginagawa kaming krimen. Napalingon ako sa nagbubulungan.
"Ewww.."
"Boy to boy? Yuck"
"Ang gwapo ng lalaki pero bakla pala ang gusto..."
Narinig din siguro ni Eric yung bulungan kaya lumingon sya doon. Agad namang yumuko ang iba at umalis siguro natakot sa tingin ni Eric. Nagulat nalang ako ng hilain ako ni Eric papunta sa kanya.
"Okay ka lang ba? Wag mo silang papakinggan okay?." He hugged me infront of many people.
"Tara?." Yaya nya sakin.
Pumunta kame ng second floor ng mall para pumunta sa TimeZone pumunta sya sa counter at nagpapalit ng token hinila nya ako papunta don sa kukuha ng teddy bear sa isang machine nakailang ulit din sya bago nakuha yung malaking bear don at binigay sakin pagkatapos don lahat ng laro doon ay na-try namin bago bumaba sa second floor para kumain.
Kasalukuyan akong naghihintay sa upuan ng jollibee hinintay ko sya kasi sya yung nag-order ng pagkain. Di naman masyadong madaming tao ngayong oras kaya nakabalik agad sya he put all the food that he ordered on our table tinulungan ko narin sya, nag-umpisa narin kaming kumain ang saya saya ko ngayong araw dahil kahit isang araw lang naramdaman ko kung pano maging parang isang babae he treat me as a girl at feeling ko lalong lumalim ang nararamdaman ko kay Eric sana tumagal to sana habang buhay nalang, Sana.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
-Meaw....
YOU ARE READING
JUST TODAY
Short StoryI love you.. Gusto kita!.. Kahit parehas tayong lalake mahal kita!! PLEASE!! LOVED ME even.... JUST TODAY.........