IKALAWANG LUHA

0 1 0
                                    

Hanggang ngayon kinikilig parin ako di ko parin ma-let go yung feeling.

"Jay anak pansin ko kanina kapa ngumingiti."

"Wala po ma." Nasa hapagkainan kame ngayon umakain ng umagahan sumandok ako ng kanin at kumuha ng hotdog at sunny side up.

Kahapon pa nangyari yun pero di parin ako maka-get over shuta!

"Mukhang inlove ata itong dalaga natin." Napatingin ako kay papa ng mag-salita ito. Dalaga ang tawag nya sakin tanggap nila na bakla ako kaya mahal na mahal ko sila.

Dalawa kameng magkapatid at parehas na lalake but dahil bakla ako isa nalang syang lalake at ako ang nagiisang prinsesa ng pamilya, bunso ako at panganay si kuya.

"Mukha nga pa." Tiningan ako ni kuya at ngumiti sakin.

"Sinong swerteng lalake ang mahal ng anak ko?." Tanong ni mama.

Namula ako lalo at nahiya.

"Ma naman wala papo pero may crush po ako."

"Hulaan ko kung sino." Umaktong nagiisip pa si kuya.

"Sino?."

"Si Eric Ferrer yung basketball player." Tumawa si kuya at tinuro ang namumula kong mukha.

Pano nya nahulaan? Ganon naba ka obvious?

"Shhhh kuya naman." Ngumuso ako at tinuloy ang pagkain ko.

"Sino yan? Bago mo sagutin yan kailangan dumaan muna samin yan ng kuya mo at dapat dito sa bahay ang panliligaw nyan." Uminom si papa ng kape.

"Pa naman di pa naman yun nanliligaw eh."

"Pa oh DIPA daw." Pang aasar ni kuya sakin. Tumingin ako kay mama para humingi ng tulong.

"Tama na yan kawawa na si jay sa inyo." Saway ni mama sa kanila.

"Basta anak pumili ng lalakeng mahal na mahal ka at tanggap ka." Tumingin ako kay papa at ngumiti sa kanya.

"Opo pa."

Pagkatapos ng almusal tumayo na ako at sumabay kay kuya papuntang school college na si kuya at ako senior high palang. Kilala ako sa school dahil mahilig akong sumayaw alam ko lahat ng genre sa sayaw at palagi akong napipili para magturo ng sayaw balak ko ngang tumakbo ng vice president sa SSG kapag election na.

"Kuya punta na ako sa classroom." Tinap nya ang ulo ko at ngumiti sakin bago tumango.

"Sige."

Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad. Pagkarating ko sa classroom pumunta agad akong pumunta sa upuan ko.

"Good morning jay." Nagulat pa ako nang batiin ako ni Eric.

"G-good morning din."

Ang mas nakakagulat pa, umupo sya sa tabi ko i mean oo wala akong seatmate kaya okay lang na umupo sya don.

"Diba don ka." Tinuro ko yung upuan sa tabi ni kristyla na hanggang ngayon na malapit nang mag-time ay wala parin ito. Palaging late naka ilan na kaya yun ng admission slip.

"Dito nalang ako, dito sa tabi mo." Nginitian nya ako.

"A-ah sige dyan ka nalang." Pakshet!
**

Natapos na ang klase at uwian na. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko para makauwe na grabe kanina pa tingin ng tingin itong katabi ko at kanina pa din akong namumula. Maglalakad na sana ako papuntang pintuan nang biglang nagsalita si Eric.

"Jay sabay na tayong umuwe."

"H-huh?." Totoo ba yung narinig ko?

"Sabay na tayo." He said then kinuha nya yung bag ko at nauna nang lumabas ng classroom.

Nakatulala akong lumabas ng classroom at sumabay sa kanyang maglakad.

"Hey, okay ka lang ba?." Nag-aalala nya akong tiningnan. Lalo lang namula ang mukha ko.

"Namumula ka. May lagnat kaba?." Nilagay nya ang likod ng kamay nya sa noo ko.

"A-ah hehehe okay lang ako." Putragis

"Okay, by the way ang cute mo pagnamumula." He chuckled and kissed me in my left cheek. Mas kinalaki ng mga mata ko. D-did he just kissed me?

"A-ah thank you." Kinuha ko na ang bag ko at tumakbo na malapit naman na ako sa bahay dahil sa hiya.

What did  just happen?!!!!!!







●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

-Meaw....

JUST TODAYWhere stories live. Discover now