"Sige, nandyan na ba kayo?... okay, see you! ... Hmp! I love you too!"
Nakatingin lang ako kay Duchess habang nakikipagusap siya sa cellphone. Siguro ay may date sila, masyadong busy din si kuya kaya siguro ay nabawi. May pinagkakaabalahan kasi silang new project ngayon.
"Let's go! Diba gutom ka na?" yaya ni Duchess at nakahanda ng lumabas. I just nodded at her bago sumunod sa labas.
Binalik ko ang susi sa guard saka pumunta sa sasakyan ni Duchess. Siya kasi ang nagyaya kanina kaya ang kanya na ang ginamit namin.
"Where are we going to eat? Akala ko ay magde-date kayo?" agad na tanong ko pagkapasok ng sasakyan niya.
She's looking straight at the road habang nakangiti. "Pwede rin,"
"I want an ice cream, sabihin mo kay kuya doon sa may north na lang tayo." I suggested.
Kumunot naman ang noo niyang binalingan ako at kaagad binalik ang tingin sa daan. Inilihis ko na lamang ang paningin ko sa bintana dahil palagay ko ay alam ko na ang sasabihin niya.
"Ice cream!? Nanaman!? Aba, ginawa mo ng vitamins 'yun ah! What happened to you at naadik ka sa ice cream? As far as I remember wala kang hilig noon. Masyadong matamis, nakakasawa?" She loudly answered, ang mga huling binanggit pa ang madalas kong sabihin kapag hindi ko gustong kumain.
Hindi muna ako umimik. Mahilig naman ako ng mga chocolate, mga cake pero hindi ko talaga masyado gusto ang nga ice cream noon dahil nasasayangan ako sa mga flavor. Masarap nga pero parang kahit anong flavor ganoon pa rin, nakakasawa.
Well noon, ngayon kasi sobrang naappreciate ko na ang bawat flavor and you have a lot of flavors that you can try as well. Ice cream is the best comfort food for me.
"Nagtataka ako sayo e, kala ko ba comfort food lang? Eh parang always na 'yan ah... " huminto siya sa pagsasalita. "Sap, if you have problem you can tell me okay?" biglang kumalma ang tono ng pananalita niya.
I smiled at her and nodded. Alam ko naman iyon... Iyon lang naman ang guilty pleasure ko kaya hindi naman ako masyadong naguguilty... ice cream lang e.
Ilang minuto ang makalipas ng marating namin ang restaurant. Napansin agad namin si Kuya Duke na nakikipag-picture sa iilang tao, siguro nakilala siya bilang fashion designer.
We walk closer to him, sakto naman silang natapos kaya't agad naman akong nagbeso kay kuya. Duchess quickly hugged him and kuya gave him a quick kiss on her forehead.
I smiled, they really suits each other.
Pagkaupo namin sa lamesa atsaka ko lamang napansin na may mga appetizer ng nakahanda. Bakit apat ang plato?
"You ordered already, kuya?"
Tumango ito, "Yeah. Right after our discussion about the new project dito kami dumiretso,"
"Kami?" Duchess asked. Kuya was about to answer when someone suddenly sit beside me, ito kasi ang bakante.
Napaawang ang labi ni Duchess, maging ako pagharap ko rito. He turned to me with his eyebrows shot up, "I was in a call, kanina pa kayo?"
B-bakit ako ang tinatanong niya? Ang ibig k-ko sabihin hindi ba.. uh..
He just stared at my eyes kaya bigla akong napaiwas ng mata. He's still the same... those gray eyes... ngayon ko lang napagtanto na namiss ko pala ang mga iyon.
Nakarinig ako ng pagtikhim kaya napatingin ako kay Duchess na kaharap ko. She smiled at me and give me a knowing look, napakagat lang ako ng labi at yumuko.
Hindi ko alam pero parang nagkandabuhok buhol ang kaloob-looban ko, hindi ko maintindihan na parang kinakabahan ako na.. ewan.
"By the way, Zen. She's the one I mentioned before. Meet Duchess, my girlfriend." panimula ni kuya sa pagpapakilala.
Umayos ako ng pagkakaupo para tignan sila, mula sa gilid ko kita ko ang pagtango ni Zeno. "Nice meeting you," pormal na pahayag niya.
"Ako rin, Hi! Ikaw pala 'yon," Duchess giggled at what she said.
Samantala, nag-init bigla ang pisngi ko dahil palagay ko ang tungkol sa akin ang pinapatungkulan niya roon. Bigla namang napataas ang isang kilay ni Zeno dahil sa sinabi ni Duchess, ang strikto at taray pa rin talaga ng dating niya ngayon.
Bago pa muling magsalita ito, naglakas loob na akong agawin ang atensyon nila. "Uhh.. kain na tayo.." aya ko.
Nagsitanguan naman sila sa akin at nagsimula. Maya-maya rin ay dumating na ang main course, pero ang tibok ng puso ko hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sa normal.
"Where will be the start of manufacturing?" tanong ni Duchess sa kanila. I forgot that the project is about the collaboration with them, kaya doon na tumakbo ang usapan.
Syempre, wala naman akong alam doon. Hindi na ako nakisali at pinagsasalamat ko iyon kasi wala rin akong ideya kung paano ako makakapagsalita ng maayos.
It suddenly felt wrong na magkatabi kami ngayon when the last time I am with him is probably the least good scenarios in my head with that country. Hindi ko rin siya nasagot kanina kaya nakakahiya.
And my heart can't stop from beating eratically!
"May dala nga akong kotse," pag-uulit ni Duchess. Natapos na kaming kumain at dumiretso na kami ngayon sa parking at heto sila ngayon nagtatalo.
Zeno once again is in a phone call. I wonder... umiling ako, I shouldn't meddle. It's his life, dapat ay wala akong sabi roon.
"So? I can have the secretary get that here," sagot naman ni kuya. Nandoon lang ako sa tabi pinagmamasdan sila, hindi namn ako pwede makisali sa kanila kasi wala naman akong masabi.
"Ano ba 'yan, uuwi na lang naman. Kaya ko naman magdrive. Next time na tayo magsabay," ani ni Duchess. Gusto kasi ni kuya na sumabay na lang ito sa kanya, hindi ko rin alam na kailangan bang ganoon?
Umikot ang mata ni Kuya. "Let's go somewhere else, ditch your car here. You're going with me,"
"Hay nako! Ang dami kasing eme kung sinabi mo na lang na aalis pa tayo, edi hindi na sana pinapahaba 'to!" mahabang litanya ni Duchess.
Lihim akong napatawa. Nothing has changed with them.
"It should be a surprise, now you know you'll bug me for the place." Taas kilay na sagot ni kuya.
Napatawa ako ng mahina nang mapaawang ang labi ni Duchess. He knows Duchess so well, nakakatawa kasi malamang ay ganoon nga ang mangyayari.
Duchess pouted and smiled apologetically while hugging him. Naiinis na hinilot lang ni kuya ang sentido niya. Natatawa na lang ako ng mahina mukhang nalimutan na rin ata nila na nandito ako.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila na napagtagumpayan ko naman, "I'll be the one to drive Duchess's car na lang," alok ko.
Nagkatingin silang dalawa muli, I laughed. "Enjoy!"
YOU ARE READING
Zeno's Sapphire
RomanceShe's a shy and soft girl who only finds comfort as long as she's next to her family but when she got lost and found by him. She felt new feeling that leads her to wanting the presence of that strict gay.