Chapter 3

546 22 0
                                    

nakarating kaagad kami sa bahay
mabuti nalang at busy yung mommy ni ynamir kaya hindi ko siya nameet tonight

"hoy nababanas ako sa pangalan mo, Yna nalang tatawag ko sa 'yo ha?"

"ayoko! call me babyloves instead of Yna"
maarteng saad niya

"ayoko den"

"bahala ka, basta hindi kita kikibuin kapag yna itinawag mo sa 'kin"

umirap nalang ako at pinihit yung pinto para makapasok sa bahay

bumungad kaagad sa 'kin yung bunso kong kapatid na naggagapang sa sahig habang may kinakagat-kagat na medyas

agad ko namang kinuha yung medyas tsaka siya binuhat

humalakhak pa si baby Jboy kaya natuwa ako sa kaniya
dumiretso naman si ynamir sa sofa tsaka nagobserba

sinuotan ko naman ng salawal si bunso bago iniabot kay ynamir
nag-alangan pa siya kung kukuhanin sa'kin yung bata

"hindi yan iiyak, libangin mo lang"

tumango naman siya bago kinuha yung bata

wala pa si mama, for sure nasa sugalan na naman yun

si ate naman baka nagpapadede pa ng anak niya sa kwarto nila

dumiretso kaagad ako sa kwarto nila mama, naabutan ko dun yung kapatid ko na hinihika

napasampal nalang ako sa noo ko
mabuti nalang nakauwi kaagad ako, kung hindi ko naabutan toh baka may lamay na kaagad bukas

dalawang gamot nalang natitira
kailangan ko nang bumili pa ulit

nagpausok na kaagad yung kapatid ko
mabuti nalang talaga nabilhan ko siya ng nebulizer nung may trabaho pa'ko

"jake? hindi mo naman siguro iiwan si ate hindi ba?"
kausap ko sa kaniya

tumango naman siya tsaka yumakap sakin habang nagpapausok sa nebulizer

nagulat naman ako kasi sumulpot si ynamir sa kwarto buhat si jboy

"tulog na?"
tanong ko

tumango naman siya

iniayos ko kaagad yung higaan para mailapag na niya si jboy

pagkahiga naman ni jboy
naghanda kaagad ako ng gatas para may dededehin agad siya kapag nagising

malakas naman akong napabuntong hininga dahil sa nangyayari

hinila naman ako ni ynamir sa tabi niya, hinahagod-hagod niya pa yung likod ni jake habang nagpapausok ito

"saan mo nalaman na dapat hagurin yung likod kapag nagpapausok?"
tanong ko

"may hika din si estella eh"
paliwanag niya

estella?
yun ata yung bunso niyang kapatid na babae, nabasa ko kanina dun sa papel na sinagutan niya

tumango nalang ako

"magbihis ka na muna, ako na bahala sa mga kapatid mo"

ngayon kolang naalala
nakauniform pa pala ako

tumingin naman ako sa orasan
alas-otso na pala hindi pa kumakain si jake

"jake? magluluto muna si ate ha?"

tumango naman siya kaagad

"no, magbihis kana, nagpabili nako kay anton ng fried chicken"
saad ni ynamir

"ahhhh o-okay, p-pero.."
tanging sagot ko

"Shhh alam kong bawal siya ng chicken, kaya nagpabili ako ng ibang ulam for him."

Hired Girlfriend (CAMPUS SERIES #1)Where stories live. Discover now