Chapter 4

497 20 0
                                    

kanina pa 'ko naririndi kay mama at kay ate

kanina pa kasi sila kwento ng kwento kay ynamir ng kung ano-ano about sa'kin

siguro kung talo si mama sa sugal ngayon, puro sermon lang kami ngayong gabi

umiyak naman si jboy
kaya kinuha ko muna sa kwarto

kinuha naman ni mama sa 'kin si jboy tsaka pinadede nung itinimpla ko kanina

nagfocus naman ako sa palabas na pinapanood ko pero hindi talaga ako makapagfocus dahil sa ingay nilang tatlo

yumakap naman kaagad si jake sa 'kin habang nanonood ako

"ate? badtrip kana po ba?"
tanong niya

ngumiti lang ako tsaka ginulo yung buhok niya

nanlaki naman yung mata ko nang ilabas ni ate yung photo album ko simula pagkabata

"ateeeee!!"
sigaw ko

nagkibit balikat lang siya tsaka ngumisi

sinamaan ko naman ng tingin si ynamir na nakangisi na din ngayon

inilahad ko naman yung kamay ko kay ynamir

"huh?"

"akin na yung Cellphone mo"
saad ko

"bakit boss?"
tanong niya

"para safe, para di mo mapicturan"
ngiti ko

"aishhhh"
nagkakamot ulo siya habang iniaabot sa'kin yung Cellphone niya

nakatulog naman kaagad si jake sa lap ko, kaya pumasok nako sa kwarto nila mama para bantayan ulit si jake matulog

binuksan ko naman yung cellphone niya, para magcheck kung may mga stolen pictures ako kaso may password pala siya kawawi

kumunot naman yung noo ko sa screen lock wallpaper niya

"kailan niya toh kinuha? bakit may picture ako sa phone niya?"
tanong ko sa sarili ko

ako kasi yung wallpaper niya
suot ko pa dito yung cycling ko tsaka fitted shirt, ito yung training day namin sa volleyball

psh! sabi ko na nga ba crush ako nung mokong na yun eh...

pumasok naman si mama sa kwarto nila tsaka ako tinignan ng seryoso
"oh? dito ko patutulugin yung boyfriend mo ha? alas-dies na ng gabi"
saad ni mama

"p-po? ma, may kotse yun"
reklamo ko

"nagrereklamo kapa? mabuti nga at pinayagan pa kitang magboyfriend diyan, susuportahan kita sa paglandi mo, basta mayaman ang boyfriend mo pasado sa'kin"
deretsong saad niya

mariin naman akong napapikit dahil sa sinabi ni mama

sana hindi narinig ni ynamir yung pinagsasabi ni mama

lumabas kaagad ako ng kwarto nila mama para icheck kung nakauwi na si Ynamir

naabutan ko naman si ynamir na nakahilata na sa kama ko

"asan si kuya anton?"
tanong ko kaagad sa kaniya

"pinauwi ko na"

"huh? may pasok bukas, bakit pumayag ka sa alok ni mama?"

"babalik si kuya anton maya-maya, pinadala ko yung uniform ko at kung ano-ano pa"
kindat niya

napaismid naman ako tsaka siya binato ng unan

"aray naman, ang laki ng galit mo sakin ha! Sige ka isusumbong kita sa mama naten"

"ikaw nga crush moko eh"
ngisi ko

Hired Girlfriend (CAMPUS SERIES #1)Where stories live. Discover now