Prologue.

12.7K 196 40
                                    

"Kuya, paki-bilisan, male-late na po kami sa kasal niya, e. Salamat po!"

I blowed a loud harsh breath. Nas-stress ako. Mabuti na lang at nakahanap kami ng Pinoy na taxi driver dito sa Spain kaya kampante kaming mag-Tagalog. Kailangan kong mamili sa pagitan ng dalawang kasal ngayon, ano! Hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.

"Mags, sa tingin mo, tama itong ginagawa natin?" kabadong tanong ko.

Hindi pa rin ako sigurado sa ginagawa ko. But there's something that I am sure with. I love this person that I will be marrying.

"Sabi mo mahal mo siya 'di ba? Then do it! Follow your heart and I'll follow you," biro nito sa huli niyang sinabi.

Alam kong ginagawa niya iyon para gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon magawa! Alam kong may mali akong nagawa sa desisyon na 'to. Pero hinding hindi ko pipiliin ang taong hindi ko puwedeng piliin.

"Ma'am, ito po ba iyon?" tanong ng driver.

Nasa tapat na kami ng simbahan. Ito na iyon. Tumango ako at nauna nang lumabas dahil mahihirapan ako sa suot ko. Si Magi na ang nagbayad.

Mabilis akong naglakad papunta sa loob ng simbahan pero natigilan ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko...

"Inhale, exhale. I know you can do this. You have waited way too long for this. We're all here for you." said Magi.

Magi was at my back, caressing it. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Huminga ako ng malalim.

Sunod-sunod nang dumating ang mga kaibigan ko gamit ang kani-kanilang mga kotse. Pumarada sila sa tapat ng simbahan at sabay-sabay na nagsibaba. Ngumiti sila sa akin kaya lalo akong naging pursigido.

Ibinaling ko ang tingin sa loob ng simbahan. Tumayo ang mga taong kanina pa ako hinihintay. Alam kong hinihintay nila ako. Alam ko iyon dahil alam ko ring alam nila na siya ang pipiliin ko. At hindi sila nagkamali.

Tumulo ang luha ko nang makita kong tumayo rin ang soon to be asawa ko. Nagpunas ito ng luha dahil malamang ay masaya siya na narito ako ngayon.

Today, November 11, 2025, I Heather Morada-Velasquez, is going to get married at the time, 11:11 am.

With who?...

ISSEE_DARLING :)

She ( Girl's Love Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon