Part 1

19 0 0
                                    

"Oyy Jenn, naglunch ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa nga eh." sagot ko naman.

"Tara, kain tayo. Libre ko." sabi niya at ngumiti nang nakakaloko.

        Si Joshua nga pala 'yon, kaibigan ko. Maiinlove na sana ako sa kanya eh, kung di nga lang siya pinsan ng bestfriend ko. Hmmm .. :(  Pero noon yon. Iba na ngayon. Medyo nag-improve na kasi ang feelings ko para sa kanya. HEHE xD .. Habang tumatagal kasi, nahuhulog na nang lubos ang loob ko sa kanya. Bukod sa gwapo siya, ang bait at napaka-sweet pa. Sino naman ang di ma-iinlove diba? Kaya I'm right here, palihim na umiibig sa kanya. Aweee .. :D

"Jenn, okay ka lang? Kanina ka pa tulala dyan ha." bungad niya sa akin at natauhan naman ako bigla.

"Ha? Ahh .. ehh..  okay lang. May iniisip lang ako." palusot ko at nauutal-utal pa. 

Kanina pa pala ako parang timang sa harap niya. Nakakahiya >,<

"Siguro iniisip mo ako noh? HAHA " pabiro nyang sabi.

Lumaki bigla ang mata ko. Nagulat yata ako sa sinabi niya. Yata? Gulat talaga. Like 0.0 . May alam kaya siya na may gusto ako sa kanya? Diyos ko po, wag naman sana.

"Ha? Hindi ah. Sige una na ako Josh. May gagawin pa pala ako. Salamat sa luch." Hindi ko na siya pinasalita pa. Tumayo na ako't tumakbo nang mabilis. May sinasabi siya pero di ko na narinig pa ito.

Sana (temporary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon