Chapter 2

14 3 0
                                    

Maddie POV

Nakita ko ang isang pamilyar na Mukha na di ko mawari kung nakita ko na ba siya noon. Nasa may tapat siya ng fountain at mukhang may kausap. Hindi ko na lang namalayan na kanina pa pala ako tinatawag nila LJ.

"Hoy Maddie!, Ano ba???, Bakit tulala ka na naman diyan?." Sabi ni LJ sabay tingin sa tinitignan ko.

Bumalik ako sa wisyo ng magsalita si Lj kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ni Giselle at nakatingin din sila sa akin na animong nagtataka kung sino ang aking tinitignan.

"Ahhh wala hahaha, may ano......uhmmmm ano ba yun." Sabi ko na di na alam ang isasagot ko sa kanilang dalawa.

"Ano.........?." Tugon nilang dalawa at nakatingin pa rin sa akin at hinihintay ang aking isasagot.

"Uhmmm." Sabi ko ulit pero wala akong mahanap na isasagot sa kanila.

"Ano nga???." Dugtong ni LJ.

"Hoy ano ba yun???, Maddie???." Sabi Naman ni Giselle.

"Uhmm ano, may nakita lang ako hehehe, tara na? Baka malate pa Tayo oh." Sabay turo ko sa aking relo. "So let's go?." Pagaaya kong muli sa kanilang dalawa.

"Hahaha okay ka lang ba???, Parang lutang ka na naman Maddie." Sabi ni Giselle.

"Oo mga Madz hahahaha, alam mo itulog mo ng maaga yan Mamaya. Naku lang Madz puyat pa Kasi." Dagdag naman ni LJ.

"Hoy, hoy, hoy kayong dalawa makasermon kayo sa akin ha, nahiya Naman ako sa inyo."

"Atleast kami Hindi nagiging lutang hahahaha."

"Hay naku, Ewan ko sa inyo."

Sabi ko na lang at naglakad na muli kami papuntang Lab. Habang naglalakad kami ay hindi na matanggal sa aking isipan ang nakita ko sa fountain. Hindi ko alam kung bakit kaya Hanggang sa makarating kami sa Biochem Lab room namin ay iniisip ko pa rin yun. Lumipas pa ang ilang minuto at maya maya nga lang din ay pumasok na ang Lecturer namin sa subject na to na si Ma'am Christine.

"Good morning class." Bungad sa amin ni ma'am ng makapasok sa room at papunta sa table niya habang binababa ang bag niya.

"Good morning din po Ma'am Christine." Sagot naming Lahat.

"So how's your day?." Tanong ni ma'am habang inilalabas ang SAS (Student Activity Sheet). "Where's your president?."

"Ma'am?." Sagot ni Vic, ang president ng classroom namin.

"Kindly monitor who's absent today."

"Okay po ma'am."

Habang minomonitor ni Vic ang absent, kami naman ay inilabas na rin ang aming SAS dahil after discussion Kasi sometimes may pa quiz or activity si ma'am. Makalipas ang ilang minuto at ng macheck na rin ni Vic kung sino absent ay nagumpisa na kaming magklase.

"Okay so our topic for today is Acidosis and Alkalosis, do you have any idea about acidosis and alkalosis? Anyone from the class???." Tanong ni ma'am Christine at walang nagtaas kaya alam na namin ang susunod. Inopen ang Projector and ayun na Naman ang hate namin na Wheel of Name, Ito talaga ang hate namin minsan eh yung wheel of name nakakainis kaya pero minsan mas nakakatulong din naman ito. So Ayun na nga umikot na ang wheel of name at Ayun tumapat sa pangalan ni LJ ang arrow kaya napatingin kami sa kaniya Lahat.

"Yes Lj, any idea about Acidosis and Alkalosis??." Tanong ni Ma'am.

"Uhmm ano pa ma'am Acidosis and Alkalosis is a metabolic disturbances in the acid base balance of the body."

"Mmm I see Thank you, You may sit."

"Thank you din po ma'am."

"Woi teh, kapag ako natawag pahelp ako ha." Dinig kong bulong ni jewel habang pilit ang ngiti na pinapakita na animong kunwaring nakikinig Kay ma'am kaya natawa kami nila Giselle at Lj.

He's My first and I'm his FourthWhere stories live. Discover now