Maddie POV
Matapos ang ilang sandali ay nakapila na sila Giselle at Dawn upang umorder ng pagkain namin. At kami naman ay nandito pa rin sa table namin at hinihintay sila makabalik, nagkwekwentuhan si Lj at Jewel habang ako ay nakikinig lang sa kanilang dalawa Hanggang sa mapadpad sa usapan nila ang anak ng Dean namin kaya Bigla ako naging interesado sa usapan. Hindi ko alam kung bakit tila nagising muli ako sa wisyo samantalang kanina ay tinatamad akong makinig sa kanilang pinaguusapan.
"Ayun na nga teh, sabi ata nila at Marami rin pa lang nagtatanong kung bakit Hindi Dito nagaral yung anak ng Dean natin eh Meron din naman Dito ang course niya." Sabi ni Jewel.
"Baka ayaw Dito?, Syempre alam mo naman na kapag Dito magaaral yun eh baka naman may masabi yung ibang Students." Sabi Naman ni Lj.
"Huhuhu pero Sana dito na lang sana siya magaral, I kennat na di Siya makita huhuhu." Animong bata na Sabi ni Jewel.
"Ang OA mo baks, tigil tigilan mo nga yang kaartehan mo hindi mo bagay." Bulyaw Naman ni Lj.
"Ay hindi ba? Hahaha."
"Oo Hindi duhhh."
"Maka Duhhh Naman to kala mo naman talaga."
"Ano???." Panghahamon ni Lj.
"Wala hahahaha."
"Anong year na ba yung anak ni Dean?." Singit ko kaya pareho silang napatingin sa akin.
"Oh taray mo teh ha, hahaha kanina lang tatahi tahimik ka diyan nakikinig ka pala sa usapan namin." Sagot ni Jewel.
"Hahahaha sira."
"Oo nga Madz, bakit Parang tumino ka Bigla hahahaha." Pangaasar naman ni Lj.
"Naku.....kayong dalawa tigil tigilan niyo ako ha."
"Asus hahahaha." Sabay nilang sabi.
"Ewan ko kung third year na ata yung anak ni Dean."
"Third year???." Paguulit ko sa sinabi ni Jewel.
"Oo teh bakit?."
"Graduating na pala siya next year."
"Oo graduating na siya pero Bata pa yun siguro mga second year pa lang dapat yun eh pero Parang advance Siya ng 1 year kaya ganun."
"Oh baka itanong mo pa kung Anong course nun hahaha." Sagot naman ni Lj.
Ayun sana ang isusunod na Tanong ko pero alam ko na ang susunod na mangyayari kaya Hindi ko na lang itatanong dahil mangaasar na Naman silang dalawa.
"Hindi sira, natanong ko lang Naman."
"Ahhh kala ko itatanong mo rin yung course hahaha."
Makalipas ang ilang minuto ay pabalik na Sina Dawn at Giselle. Matapos ilapag ang aming mga pagkain ay nagumpisa na kaming kumain at syempre Hindi na naman mawala ang usapan dahil napakadaldal talaga nila pero kapag malapit na ang exam hahaha matatawa ka na lang dahil halos lahat sila ay Parang mga robot na hindi makapagsalita dahil tutok sa mga reviewer at books. Madalas kami nagrereview sa library dahil bukod sa tahimik, nandun din yung ibang books na kailangan namin. Matapos kumain ay dumiretso na kami sa next subject namin which is Purposive Communication and after naman nun ay Understanding the self ang susunod na subject namin. Matapos ang ilang sandali at nakarating na kami ay Ayun nga gaya din sa biochem lab nagdiscuss rin kami sa Purposive Communication at Understanding the self. And as usual dumating ang lunch break at sa Mcdo na lang kami naglunch dahil Meron Dito sa loob ng University namin. Kung lalabas pa Kasi kami at maglalakad pa papunta sa Mall tapos mainit pa kaya napagdesisyunan na lang nila na dito na lang kami sa Mcdo kumain dahil atleast nandito lang sa University namin. Matapos naman kumain ng lunch ay pumasok na kami sa first sub namin sa hapon which is Mathematics in the Modern World.
YOU ARE READING
He's My first and I'm his Fourth
Storie d'amoreThis story is all about a girl who has an Philophobia.