The Chapter 1
***The Dream ***
[[Shane's Point of View]]
Ang daming tao...
Hindi nanaman ako makahinga.
Leche tong sakit na to.
Makalabas na ngalang!Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa mini soccer field sa tapat and let out a deep sigh.
*inhale**exhale*
*inhale**exhale*
*inhale*
Hala! Grabe naman tong sabong ginamit sa damit ko. Halatang Ariel na tig 7.50. Sayang sana binabad din to sa Downy para instant perfume agad.
"Oh. Shane, apo, anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nandoon ka sa bahay niyo at tumulong? Baka hanapin ka ng nanay mo?"
"Lolo! Mano po!" bait ko noh? Haha.
"Pagpalain ka ng Diyos, apo."
Ngumiti nalang ako at sumagot, "Ahh, kasi po nagpapahangin lang po ako. Tapos narin po kasi ako sa gawain ko roon."
"Lolo! May naghahanap po sa inyo!"
Napatingin ako sa biglang sumigaw. Si Kim lang pala, pinsan ko.
"Hehe. Mukhang mas kailangan po kayo dun, Lolo..."
"Oh sige apo. Una na ako."
"Ah sige po," sagot ko at tuluyan na siyang hinila ni Kim.
Fiesta kasi dito sa amin, kaya eto, handaan here at handaan there ang scenario. Marami rin kasing mga bisita. Kaya hindi na ako nakipaggitgitan pa.
Pumunta nalang ako sa favorite spot ko dito. Sa ilalim ng isang malaking puno sa dulo nitong field. Umupo na ako at pumikit.
Bigla akong napamulat dahil parang may tumama sa bandang balikat ko. Medyo malakas din yung tama kaya magigising ka talaga kung nakatulog ka man.
May lumapit na lalaking hindi masyadong katangkaran upang kunin ang bola ng soccer. Nang makuha na niya ang bola, bigla nalang siyang tumalikod. Mukhang wala ata tong balak magsorry ah. Aba! Masakit din naman yun noh! Tumayo ako.
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Anu buh! 'Di ko alam ang pangalan eh. Huminto siya pero hindi naman lumingon.
"Hoy!!!" wala parin. Ano ka ba naman kasi Shane! Sa lahat ng pwedeng itawag, 'hoy' talaga eh noh? How rude. Tsk!
"Hoy kuyang naka number 8! 'Di ka man lang ba magso-sorry?!"
Ayun!! Lumingon nadin siya! Sa wakas! Lumapit siya sa akin.
Nagulat nalang ako bigla na sobrang lapit na pala namin sa isa't-isa. Halos kalahating metro nalang ang layo.
Napaka-emotionless naman ng mga mata niya.
At lalong nagulat ako sa ginawa niya, sabay bulong, "Sorry..." at tuluyan na akong iniwan dito na gulantang parin.
Sheeeeeeeeems!!! >/////////////
Naman kasi eh!!! Isang stranger yun! Tapos... tapooos... yung...
"Waaaaaaaaahh!"
"Aaa-arouch... " napa-ungol ako sa sakit dahil may nakadagan sa akin. Pagmulat ko ng mata...
"A-ate shin!! *hik* huhu..."
"W-wendy??" teka? Anong ginagawa ng batang to dito? o_O
"Aww.. Bakit umiiyak ang pamangkin ko..??"
"K-kasi p-po... *hik* y-yung s-shpider.."
"Ssssh... Tahan na... Wala na ang spider oh... Tsaka hindi ka naman aawayin ng spider kasi mas malaki ka sakanya eh. Okay?"
Tumungo lang siya sabay singhot.
Malapit na pala lumubog ang araw.
Tiningnan ko ulit ang mga nakaukit sa punong ito. Ang dami talaga. Ginawang notebook ang puno eh. -3-
Ito ang ilan sa nakalagay:
"BFF 4ever
"I Love You JR!"
"I Hate You SUPER!"
"1234567890"
"Saranghae mwah! Mwah!"
"Me is Cute :3"
At marami pa talagang iba. Pero meron akong napansin na ngayon ko lang talaga nakita.
Binasa ko ang nakaukit duon at...
"Aishiteru Daichi Mamura, huh?? Sino kaya 'to?" bulong ko sa sarili ko. Alam niyo na, baka pagkamalan akong baliw, nandito pa naman si Wendy.
Meron naman akong naiintindihang japanese words kahit papano, kaya alam ko kung anong ibig sabihin ng 'Aishiteru' na ibig sabihin 'I love you' in english.
Sino kaya ang umukit nito?
Merong kayang Hapon dito?
Hahaha! Haynaku... Anong klaseng mga tanong ba 'yun? Bakit pa ko nagtatanong kahit na alam kong hindi rin naman masasagot.
"Uwi na tayo, Wendy..."
"Opo..."
Pagkauwing-pagkauwi, dretso salampak sa kama ang drama ng lola niyo.
Unconsiously, napahawak ako sa mga labi ko.
Totoo kaya yun?
Pero... Parang panaginip lang talaga eh...
Pero kung panaginip lang yun...
Wala na akong first kiss ngayon... Diba? Dibaaa??
Tama. Tama. Panaginip nga lang talaga yun...