CHAPTER 2

9 9 1
                                    

ZIA

I'm still confused. I don't know why I am here. Nababaliw na ako kakaisip kung paano nangyari ito.

Kanina pa sila umuwi dahil gabi na rin. Nakakain na rin ako bago sila umuwi, nahihiya pa nga ako dahil pinagmamasdan nila akong kumain. Nagsorry lang sila kahit na ang totoo nawalan na talaga ako ng malay bago pa nila ako mahagip. At nagpapasalamat naman ako dahil sinagot nila ang bills ko dito sa hospital dahil wala naman akong ipapambayad. Ang iisipin ko na lang ay kung saan ako matutulog pagkalabas ko dito.

Sana pagkagising ko bukas bumalik na ako samin.

Titiisin ko lahat at hindi ako magpapaapekto sa mga problema lalong lalo na sa pamilya ko. As I've said I'm used to my parents, hahayaan ko na lang siguro sila as long as hindi naman sila nagkakasakitan ng pisikal. Damn I miss my family so much especially my younger brother, Gideon.




MORNING CAME and shit I'm still here. At ito na ang oras para umalis dito, I'm pretty sure hindi na sila babalik dahil in the first place wala naman talaga silang kasalanan sa nangyari. At wala silang pananagutan sakin.

Saan na ako tutuloy?

Baka maging palaboy na 'ko.

NO WAY!

I'm currently here in front of the hospital and until now I don't know what to do. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. God help me please.

Nahihiya na rin ako dahil kanina pa ako nakatayo dito, so I decided na maglakad na.

Kanina pa ako naglalakad, at nagugutom na ako. Wala akong malapitan dahil wala naman akong kakilala dito maliban sa kanila. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganito. May nakita akong park. Doon na lang muna siguro ako, napapagod na rin kase ako kakalakad.

Tirik na ang araw kaya marami na rin ang tao dito sa park. Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno, nakatungo at pinaglalaruan ang mga paa. Ganito siguro kapag malapit nang masiraan ng ulo, charr.

Pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro kasama ang mga magulang nila. Ang saya nilang pagmasdan, at bakas sa kanilang mga mukha na masaya talaga sila. Nakakainggit. Gan'yan din kami dati.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatingin sa kanila at iniinggit ang sarili, naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha. Naaalala ko yung mga panahong ganiyan din kami. Fourteen years old ako at si Gideon naman ay 3 years old, na palaging nadadapa dahil palagi akong nagpapahabol sa kaniya. Tapos papagalitan ako ni mama dahil nagpupuro dumi at gasgas si Gideon. Bibilhan kami ng ice cream ni Papa at pagmalapit nang maubos yung sakin ipapalit ko sa kapatid ko, wala s'yang nagagawa dahil naipalit ko na sasabihin ko na lang magic. Miss na miss ko na sila.

Pinunasan ko ang mga pasaway kong luha at tumayo na. At dahil sa ginawa kong iyon ay muntik na akong matumba. Shit!

Ganon na ba ako katagal nag-emote at hindi ko na napansin ang oras, iba na ang sikat ng araw parang papalubog na. Wala pang laman ang tiyan ko, iyon malamang ang dahilan kung bakit muntik na akong matumba.

Ano, hanggang dito na lang ba ako?

Dito na ba ako mamamatay?

God, no please!

"Miss vowels!" That voice is kinda familiar.

"Sabi ko na ikaw yan e, Shaun remember?" Nakaupo pa rin ako at nakatingala lang sa kanila. Of course I remember him, them.

Dali dali kong pinunasan ang aking mukha, at mukhang sa sobrang tagal ay natuyo na ito ng kusa.

I smiled at him and nodded.

"What are you doing here? Binalikan ka namin sa hospital wala ka na daw don." Khairo said. Wait, tama ba ako ng narinig binalikan daw nila ako? Pero bakit naman nila gagawin iyon?

"Nalaman kase namin na wala ka pa lang relatives na susundo sayo." that's Stellar. Tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya, para sakin?

"I-im sorry." nakayuko kong sabi. Kumpleto sila, marahil totoo ngang hinahanap talaga nila ako.

Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin.

"Can I call you Zia? Fauzia Aeiou is too long." ani Stellar. Siya pala ang tumabi sakin.

"Or maybe ate? How old are you na ba?" Natawa naman ako sa ate.

"I'm just 19, Zia na lang." I'm still chuckling, she chuckled too. Ang cute niya.

"Oh halos pare-parehas lang pala tayo ng age e, I'm 19 too and Shaun, si Conan at Keith 20 at ang pinakagurang na si Khairo, 21 na kase siya." natawa naman ako sa pinakagurang.

"I'm not gurang, baka iyang pinsan mong si Conan ang gurang. Mukhang matanda na ang itsura dahil sa konsumisyon sayo." ani Khairo at tumawa pa ng malakas na kaagad naman nabatukan ni Conan.

"Gago." ani Conan. At pinagtulungan nga nilang bugbugin si Khairo, nakakatuwa silang magkulitan nakisama na rin si Keith sa kanila.

"Don't make these big deal, gan'yan lang talaga sila maglambingan." pagkasabi ni Stellar sa mga salitang iyon ay agad silang naghiwa-hiwalay na parang nandidiri sa isa't isa.

"Asa!"

"Panget nyo!"

"Hell no!"

"Lambingan ew"

"HAHAHAHAHHAHHAHAH" that's me and Stellar. Lmao

Nakakatuwang pagmasdan ang mga nahihiya nilang mukha. Sus ayaw pang aminin.

"Iiihh si babe kase sinapak ako, ayan tuloy alam na nila. Parang timang." si Khairo na hindi mo malaman kung kite-kite o bulate sa ginagawa niya ngayon, sa sobrang likot na parang kinikilig halata naman na inaasar lang yung tatlo. Parang pabebe na hinampas pa sa braso si Conan.

"BABE kapag hindi ka pa TUMIGIL baka hindi lang LAMBINGAN ang makita nila." may halong pagbabanta sa mukha ni Conan nang sinabi niya 'yan. Geez nakakatakot siya.

"Tss KJ." at tinignan na kami ng masama ng apat dahil tawa pa rin kami ng tawa.

And finally we stopped laughing. Sumakit ang tiyan ko don ah. Parang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan. Napansin kong nakatitig sa akin Keith kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Miss vowels, kumain ka na ba?" Si Shaun ang bumasag sa katahimikan. Napansin kong palagi niya akong tinatawag sa pangalang 'yan. And I always have goose bumps every time he called me.

If I say no...

I know they are kind, kahit na kakakilala pa lang namin hindi nila ako pinakitaan ng masama. Kapag sinabi kong hindi pa ako kumakain, baka pakainin nila ako. At naiinis ako sa sarili ko dahil feeling ko ang liit liit ko sa mundong ito.

Should I say yes?

Nakakahiya na rin kase sa kanila, baka nakakaabala na ako. Titiisin ko na lang siguro ang gutom, kaya ko pa naman siguro.

Uunahin mo pa ba ang hiya?

Mamamatay ka na sa gutom!

"Uhm... Actually h-hindi pa talag-"

"What?!/Ano?" Nagsabay pa sila Stellar at Khairo.

Uh-oh

UnexpectedWhere stories live. Discover now