FIIME 3

89 4 0
                                    

FIIME 3

----~(-_________-)~----~(-_________-)~----~(-_________-)~----

Point Of View [Mirah Louise Salvador]

"Waaaaaah! Ang sakit sakit! Heeeelp! TT^TT" Ay leshe! napakaingay naman nitong stupid transferee na'to. tsk. nakahiga kasi sya sa kama habang chinecheck nung doctor yung binti nya. Sino ba ang may kasalanan? ako ba? diba hindi? Eh sya nga yung tumawid habang papalabas ako ng school eh. ang tanga naman kasi eh! bulag ba sya? bingi ba sya? hindi nya ba nakita ang aking Lamborghini? hindi nya ba narinig ang pag-andar ng kotse ko? Ay ewan!

"Hoy babae! manahimik ka nga! ang tanga tanga mo kasi! bibingo kana talaga saakin eh!" sigaw ko sa kanya.

"Lorraine pangalan ko! Lorraine! Waaaah! dahan dahan naman po doc!" =_____= napaka-isip bata naman. ang sarap ingudngod sa putek. ampupu. tumayo na yung doctor at tumingin saakin.

"ikaw ba ang nakabangga sa kanya?" tanong saakin nung doctor.

"Oo. kung hindi kasi sana tumakbo edi hindi ko sana sya nabangga. ang TANGA naman kasi eh!" sabi ko sa doctor.

"Ah ganon ba." sabi nya then humarap sya kay stupid transferee. "may dala ka bang cellphone? para makatawag o makatext ka sa pamilya mo o sa mga kaibigan mo para iuwi ka sa inyo. kailangan lang mapahinga iyang binti mo." sabi nya at humarap saakin. "Wag kayong mag-alala. hindi ko na kayo pababayarin :) sige maiwan ko na kayo." sabi nya then lumabas na sya. Buti naman at hindi na ako magbabayad. aba! sinuswerte naman ata itong stupid transferee na ito. lumapit ako sa kanya. nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Ba-bakit?" tanong nya.

"Akin na ang cellphone mo at tetext ko kung sino man sa pamilya mo. akin na!" agad naman nyang kinuha ang cellphone nya sa bag nya at ibinigay saakin. "Sino ba ang pwede kong itext dito?" tanong ko sa kanya.

"Si kuya Lorrence." sabi nya. kuya nya? hindi ba pwede kung mama nya na lang o papa nya?

"Mama mo na lang o papa mo."

"Uhh..Ano..Wala na akong parents. kuya Lorrence na lang ang meron ako at ang Lola ko." ha? parang may nafeel akong pagka-guilty sa ginawa ko sa kanya. What? guilty? Ha-ha! O'cmon! Eh ano naman kung wala na syang parents? tss. maraming tao ang wala ng parents sa mundo. tinignan ko ang contacts sa Cellphone nya at... isa lang ang nandon. yung Lorrence lang? Ano ba naman yan! kung ako sa kanya itatapon ko na lang to dahil wala namang silbi! iisa ang nasa contacts? Geez.

tinext ko na ito na nasa hospital ang kapatid nya dahil nabunggo ko sya dahil tatanga tanga sya. tinext ko din kung saang Hospital.

mga 10 minutes may dumating na lalaki. okay? ang gwapo nya at ang tangkad nya pa. yung buhok nya parang pangKoreano na kulay brown. tapos darkbrown na mata. parang kay stupid transferee lang. teka! FYI, hindi ko sya gusto, okay? dinescribe ko lang sya sa inyo.

agad syang lumapit kay stupid transferee.

"Ayos ka lang Lorraine? alin ang masakit? ha? ano?" sabi nung Lorrence. okay. hindi naman sya masyadong nag-aalala nuh? kulang na lang umiyak sya eh.

"Ano ba kuya. okay lang ako nuh = 3= yung binti ko lang ang masakit. pero sabi naman ng doctor kailangan lang mapahinga itong binti ko. hoho ^0^" pagkasabi nya nun binatukan sya nung Lorrence. "Aray ko po naman! bakit naman nambabatok >3<" ano ba yan! ano ba role ko dito? istatwa?. "tuwang tuwa ka pa dyan eh!" sabi nung Lorrence at napansin naman nya ako. Sa wakas naman at napansin din nila ako. Duh! ako kaya ang bida dito. bida ba? o kontrabida? basta! kahit ano.

"ikaw ba ang nakagasa sa kapatid ko?" tanong nya saakin na parang maangas. angasin ko mukha nya dyan eh =___=

"Yes. ako nga. tatanga tanga kasi yang kapatid mo eh. alam nya naman na lalabas na ako sa gate bigla naman syang tumawid. So, its her fault, not MINE."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Inlove in my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon