Chapter 6

15.8K 281 6
                                    

Van's POV

Naglalakad kami ng mga kaibigan ko ngayon papuntang cafeteria dahil lunch time na, habang nag lalakad ay may mga naririnig kaming mga bulongan.

'Siya ba yung sumapak kay Alice?'

'Oo siya yun kapal ng mukha Hindi naman kagandahan'

'Agree'

Napa-irap na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Tsk, kong iuntug ko kaya yung mga ulo niyo diyan sa pader baka mag karoon pa kayo ng tamang pag-iisip, Tsk!

"Anong---." Susugurin na sana ni Ella ang tatlong babae na nag bubulong-bulongan pero agad ko siyang pinigilan.

"Wag mo na silang patulan, tara na." Bulong ko habang naka-hawak sa kaniyang palapulsuhan.

"Tsk, mga bruha!" Nanggagalaiting ani niya. Kaya nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming humanap nang mauupuan.

"Guys don tayo, sa may pinakadulo para walang isturbo." Tinuro ni Aubrey yung table sa may sulok kaya agad kaming sumang-ayon at pumunta roon para ma-upo.

"Ako na mag order." Pag-presenta ko at ayun ang mga bruha ngumisi lang at tumango.

Hindi ko na kailangan pang mag tanong sa kanila kung ano ang o-orderin nila dahil alam ko naman kung ano ang gusto ng mga kaibigan ko kaya tumayo na ako.

Maglalakad na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa cafeteria, kaya napalingon ako doon at iniluwa non si Ken kasama ang mga kaibigan niya pati narin ang higad niyang girlfriend.

Tsk, kung maka dikit parang wala nang bukas. Malandi!

Tapos yung mga kababaehan naman dito sa cafeteria puro tilian lang ang alam ang sakit sa teynga.

'Yeeii fafa Red notice me!'sigaw nang isang babae habang kinikilig pa.

'Ken ang gwapo mo!'tili nung isa pang malandi. Tsk!

'Luke jowain moko' at kung ano-ano pang tinitili nila kaya isinawalangbahala ko nalang yun at pumunta sa may orderanan nang mga pagkain at nag order.

Pagkatapos kong mag order ay naglakad na ako pabalik sa upuan namin nang biglang may hinirang na paa sa may paanan ko kaya ang ending tumapon ang mga dala kong pagkain at natumba ako.

Bwesit naman oh!

Masasapak ko talaga kung sino ang gumawa non kaya inangat ko ang tingin ko para makita kung sino ang gumawa non, nang makita ko ay agad kumulo ang dugo ko dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon, nginisian niya lang ako habang naka crossarm.

Tsk, kailan ba ako titigilan ng bruhang ito. Gusto niya sigurong ipapa-confine ulit sa hospital.

Sinasagad talaga ng bruhang to ang pasensiya ko nanahimik na nga yung tao tapos siya tong palaging nag hahanap ng gulo.

"Tatanga-tanga kasi yan tuloy." nangiinis na sabi niya. So ako pa talaga ang tanga, eh kung hindi sana niya iniharang ang kaniyang paa sa daan matutumba ba ako? Tsk.

Kaya tumayo na ako at inyos ang sarili ko bago humarap sa kaniya.

"Ano nanamn ba ang problema mo." Mahinahon na pagkakasabi ko sa kaniya. Nagtitimpi lang talaga ako sa babaeng to, pag ako napuno baka sa hospital talaga ang patutunguhan niya.

"Wala naman akong ginawa." Painosenteng aniya.

"Tsk, ang sabihin mo papansin ka lang talaga." Pabulong na pagkakasabi ko.

"Anong sabi mo ako papansin." Inis na singha niya sakin.
Ops! Narinig niya pala.

Sasampalin niya na sana ako ng biglang may humarang sa harapan ko at hinawakan ang kamay ni Alice.

"Don't you dare hurt her." Malamig na pagkakasabi ng lalaki sa harapan ko.

Teka lang parang kilala ko ang boses na iyon ah!

"Nick." Mahinang bulong ko.

"Sino kaba? Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Alice kay Nick.

"Let her go." Narinig ko namang na may nagsalita sa likod ni Alice.

Kaya sinilip ko kung sino iyon, Tsk. Si Ken lang pala. Malamig niyang tiningnan si Nick kaya napa-irap ako. Kinampihan niya pa yung girlfriend niyang malandi kaya binitawan naman ni Nick ang wrist ni Alice at hinawakan ang kamay ko tapos hinila ako palabas ng cafeteria.

"Teka lang Nick yung mga kaibigan ko." Pigil ko kay Nick, huminto naman siya at humarap sakin.

"Balikan mo na lang sila mamaya baby please." Aniya with matching puppy eyes kaya wala na akong nagawa.

"Sige na nga." Suko ko tapos hinila na naman niya ako.

Pumunta kami sa likod ng school namin at umupo sa isang bench doon.

Ang sarap ng hangin dito nakakawala ng init ng ulo.

"Okay kana ba?" Tanong niya sakin.

"Oo okay na ako Nick, salamat nga pala kanina." Nakangiting ani ko.

"Always welcome baby." Siya habang nakangiti. Ang bait talaga ng boy bestfriend ko.

Naramdaman ko naman na humilig siya sa balikat ko kaya hinyaan ko na lang at tumamabay muna kami ng mga ilang minuto doon at pagkatapos ay napag-desisiyonan ko nang balikan ang mga kaibigan ko.

Kendrick POV

Nandito kami ngayon papasok sa cafeteria kasama ang mga kaibigan ko at si Alice na dikit ng dikit sakin, kaya ang ginawa ko ay hinayaan ko na lang siya.

Pagpasok pa lang namin ang daming ng tilian, ang sakit sa teynga.

Nakita ko si Savannah na lumingon samin pero agad din itong umiwas at naglakad, mukhang o-order ito ng pagkain kaya nag-patuloy na lang kami sa pagpasok at pumunta sa gitna upang don umupo.

Nang maka upo kami ay biglang nagsalita si Red.

"Okay mga kumag ako na ang o-order." Aniya.

Lumingon naman ang mga kumag Kay Red at masamang tumingin sa kaniya, at ang baliw ngumisi lang at umalis para mag-order.

Na-agaw ang atensiyon ko sa may harapan dahil sa gitna kase kami naka-upo at nakita ko si Alice na may inaaway na naman.

Nang makita ko kung sino ang inaaway niya ay bigla na lang akong napatayo at lalapit na sana para awatin sila ng biglang may humarang sa harap ni Savannah kaya napahinto ako sa paglapit.

Nang sasampalin na sana ni Alice si Savannah ay agad iyong sinalag ng lalaki. Nang mamukhaan ko ang lalaki ay bigla na lang nawala lahat ng emosiyon sa mukha ko dahil siya yung kayakap ni Savannah sa restaurant.

Nag-patuloy ako sa paglalakad at huminto sa likod ni Alice.

"Let her go." Malamig na ani ko sa lalaki at binitawan naman agad niya ang kamay ni Alice.

Nainis ako bigla nang hawakan ng lalaki ang kamay ni Savannah at sabay silang lumabas sa cafeteria.

Fvck! I want to punch that guy.

"Babe oh, hinawakan ako ng lalaking yon." Agaw pansin sakin ni Alice kaya masama ko siyang tiningnan.

"Pwede ba Alice, layuan mo na nga ako!" Singhal ko sa kaniya at napaigtad siya dahil sa pagsigaw ko.

"Bakit?" Naka-yukong sambit niya.

"Hindi kita gusto Alice at hinding-hindi kita magugustuhan, so leave me alone!" Singhal ko ulit sa kaniya.

Nakita kong may tumulong luha sa pisngi niya. Tsk, wala akong pakealam kahit mapahiya pa siya dahil lahat ng atensiyon ng mga studyante sa cafeteria ay na saamin ang akaya umalis na lang ako doon at sinundan sila Savannah.

Nakita ko namang pumunta sila sa likod kaya ang ginawa ko ay nag-tago sa may puno at sinilip sila.

Nakita ko pang ngumiti si Savannah sa lalaki at ang lalaki naman ay humilig sa balikat ni Savannah kaya na-inis ako lalo at agad na lumisan roon at pumunta sa secret house.

My Possessive StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon