Chapter 13

13.8K 203 0
                                    

Van POV 

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm sa phone ko kaya bumangon na ako para maligo dahil may pasok na ako. Pumasok ako sa banyo para makaligo. 

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako saking sarili. Nang matapos ay bumaba na para makapag almusal. 

Pababa na ako nang biglang may humigit sa braso ko kaya ang ending ay muntik na akong mahulog sa hagdan pero agad din niyang hinila ako palapit sa kaniya at iniyakap ang dalawang braso niya saki'n kaya ang mukha ko ay nasa dibdib niya at dinig na dinig ko ang tibok ng kaniyang puso. 

Bigla din namang sumikdo ang puso ko kaya dumistansiya muna ako sa kaniya. Iniangat ko ang aking ulo kaya nagtagpo ang tingin naming dalawa. 

"Ken." Bulong ko. 

"Sabay na tayong pumasok." Aniya at seryusong naka tingin saki'n.

"Huh!" Wala sa sariling ani ko dahil sa gulat. 

"Tsk. Sabi ko sabay na tayong pumasok." Pag-uulit niya. 

"Ahh-ehh, wag na Ken, may kotse naman ako." Pagtangi ko sabay hilaw na ngumiti.

"No, sabay tayo. That's final!" Seryosong sambit niya. 

Kaya wala na akong nagawa at tumango na lang, ginulo niya naman ang buhok ko at ngumiti kaya nagulat ako at natulala. 

"What!?" Nagtatakang tanong niya. 

Kaya natauhan naman ako. 

"N-nothing." Ako at hindi maka tingin sa kaniya nang diretso.

"Sige baba na ako." Ani ko at tinalikuran ko na siya at nagpunta sa kusina para kumain. 

Umupo na ako at nagsimula nang kumain pagkatapos kumain ay nag-lakad na ako palabas nang mansion at agad kong nakita si Ken sa labas na naka sandal sa hood ng kotse niya habang naka-suot nang shade. 

Gwapo-- Ayy! Savannah umayos ka wag kang ganiyan. Gwapo naman talaga ang stepbro mo at hindi lang siya gwapo yummy pa at malaki ang---- Savannah nagiging mahalay kana, Tsk! Umayos ka baka mapansin ka niya. Parang may nag-uusap sa isip ko kaya napa iling-iling na lang ako.

Nang makita niya'ko ay ibinaba niya ang shade niya kaya lumapit ako papunta sa direksiyon niya at tipid na ngumiti. 

"Let's go." Ako na naka-yuko kaya natabunan ng buhok ang mukha ko. 

Nabigla naman ako nang hawiin niya ang buhok ko kaya napaangat ang ulo ko at nagkasalubong ang tingin namin. 

Sumikdo nanaman bigla ang puso ko parang lalabas na saking ribcage kaya binawi ko na lang ang ulo ko dahil parang ramdam kong namula na ang aking pisngi kaya ibinaling kona lang sa iba ang tingin ko. 

Narinig ko naman binuksan niya ang pinto nang kotse niya kaya napalingon ako ulit sa kaniya nakita kong pinagbuksan niya ako kaya lihim akong napa-ngiti. 

Gentleman. 

Nang mapansin niyang hindi pa ako pumasok ay lumingon siya sakin kaya nawala bigla ang ngiti sa labi ko at tuluyan nang pumasok sa loob nang kotse niya, pagkatapos ay isinarado niya na iyon at umikot siya sa driver seat at binuhay ang kotse at pinaharurut iyon papuntang school

Pagdating namin sa VU ay ipinarada niya muna ang kotse niya, pagkatapos ay lumabas na ako sa kotse at naglakad na papunta sa room ko. Naramdaman ko namang sumunod siya sakin kaya nilingon ko siya sa likoran ko. 

"Bat ka naka sunod?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. 

"Ihahatid." Maikling aniya.

"Wag na." 

My Possessive StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon