Chapter 5

16.5K 248 1
                                    

Kendrick POV

Nandito ako ngayon sa secret house naming Lima sa likod ng isang building sa school namin, dito muna ako tumambay dahil wala akong ganang pumasok at kung nag tatanong kayo kung saan ang mga kaibigan ko ayun may kanya-kanyang ginagawa. Red may nilalandi na namang babae tapos si Alex same lang sila ni Red at si Kurt ayun na tutulog na naman si Luke naman ay siryusong nagbabasa ng libro at ako ito naka upo lang habang ina-alala yung mga nakita ko kagabi sa restaurant.

That boy are getting into my nerves I want to punch his face. Naisipan kong lumabas muna sa secret house at hanapin si Savannah.

Habang naghahanap ay may nakikita akong nag kukumpulang mga studyante sa isang hallway, class hours ngayon bat sila nandiyan?

Lumapit ako sa kanila at namumukhaan ko kung sino ang mga iyon.

It's Alice and her friend's and also Savannah and her friend's too. Nagtago muna ako sa may gilid at nakinig sa kanila.

"Bat moko sinapak ha!?" Rinig kong sigaw ni Alice kay Savannah.

"Ang kulit mo kase eh kaya ayan tuloy yung nakuha mo sakin, sinabihan na nga kita ng ayaw ko ng gulo tapos ikaw tong matigas ang ulo at sinampal ako at sinabunutan." Sagot naman ni Savannah.

Hindi ko naman talaga girlfriend yang si Alice siya lang naman ang nag kalat na girlfriend ko siya dito sa school kaya ayun, and also I don't like her she's a slut.

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at naglakad papalapit sa kanila at nag kunwaring dadaan lang ng biglang sumigaw si Alice.

"Babe!" Sigaw niya sakin habang naglalakd papunta sa kinaruroonan ko. Naririndi na ako sa boses niya, huminto muna siya saglit at lumingon kila Savannah at inirapan ito at napatuloy uli sa paglalakad papuntang deriksiyon ko at biglang niya akong hinalikan sa labi ko na ikinagulat ko kaya hindi ko agad siya naitulak.

Pagkatapos niya akong halikan ay humiwalay na siya at kumawit sa braso ko. Tiningnan ko naman si Savannah malamig niya akong tinignan at umalis na siya kasama ang mga kaibigan niya.

"What the fvck Alice, why did you do that!?" I said with a cold voice. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpapadiyak na parang bata.

"Babe tingnan mo tong ginawa sakin ng bruhang yon." Aniya at tinuro ang kaniyang black eye, bagay naman sa kanya. Tiningnan ko lang siya ng malamig at hindi nag salita at tinalikuran siya narinig ko pang tinawag niya ako, pero hindi ko na lang pinansin iyon at nag patuloy sa paglalakad.

Tsk such a desperate girl.

Van POV

Naglalakad kami ngayon ng mga kaibigan ko papuntang room dahil class hours na nang biglang may humarang sa dinaraanan namin. Ang mga bruha nanaman, kailan ba sila titigil sa kakaaway samin or wala talaga silang balak na tumigil. Pag ako talaga napuno sa babaeng to baka dagdagan ko yang black eye niya.

"Bat moko sinapak huh!?" Sigaw niya sakin aba't sumigaw pa talaga anong kala niya sakin bingi sarap niyang untugin sa pader.

"Ang kulit mo kase eh kaya ayan tuloy yung nakuha mo sakin, sinabihan na nga kita ng ayaw ko ng gulo tapos ikaw tong matigas ang ulo at sinampal ako at sinabunutan." Bored na pagkakasabi ko sa kaniya.

Ayun ang bruha hindi nakinig at lumingon lang sa likod at tinawag ang pinakamagaling kong kuya.

"Babe!" Sigaw ni Alice kay kumag at naglakad papuntang sa direksiyon ni kumag, tumigil muna siya saglit at lumingon sakin at inirapan ako.

Dukutin ko kaya yang mga mata mo tapos ipapakain ko sa mga alagad mong mga clown. Nagpatuloy sa paglalakad si Alice papunta sa kinaruruonan ni kumag at bigla niyang hinalikan si Ken kaya agad naman akong nainis at na wala lahat ng emosiyon sa mukha ko, pagkatapos niyang halikan ay ikinawit ni Alice ang kaniyang braso sa braso ni Ken, hindi manlang umangal si kumag mukhang na sarapan ata sa paghalik ni Alice.

Bwesit na mga mukhang unggoy dito pa talaga nag landian. Tumingin naman sakin si Ken kaya malamig ko lang siyang tinignan at umalis na kami ng mga kaibigan ko.

Nasira nanaman yung araw ko sarap nilang pag uuntuging dalawa.

"Malandi talaga yang Alice na yan." nandidiring turan ni Ella.

"Tsk sinabi mo pa." Sang-ayon naman ni Aubrey.

"Sa bagay bruha nga naman." Singit ni Ellaine.

"Wag na nga natin silang pag-usapan mas lalong umiinit ang ulo ko sa malanding iyon." Inis na asik ko sa kanila.

"Okay okay, chill lang bat ba ang high blood mo agad." Tumatawang ani ni Jenny.

"Naiinis lang kasi ako sa dalawang yun." Ani ko sabay irap.

"Bakit naman?" Tanong ni Ellaine.

"Naiinis o nagseselos." Asar naman ni Jenny.

Kaya napangiwi agad ako sa sinabi niya.

"Ano namang pinagsasasabi mo diyan Jenny? Bat naman ako magseselos sa kumag na yun." Nginisihan lang ako ng bruha.

"Hay nako Lee wag ka na ngang mag deny diyan nakita ko nga yung pagbabago ng expresiyon diyan sa mukha mo kanina nong biglang hinalikan ni Alice si Kendrick." Pang-aasar niya ulit.

"Ehh! Ano---".

"Okay, tama na yang dal-dal pumunta na tayo sa room baka malate pa tayo." Putol ni Aubrey sa sasabihin ko.

Masamang tiningnan ko si Jenny at ang bruha nginisihan lang ako.

Kaya wala na akong nagawa at nag patuloy na lang sa paglalakad papuntang room.

My Possessive StepbrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon