(Ang kwentong ito likha lamang ng aking malikot na kaisipan. Ang mga pangyayari, pangalan at lugar ay pawang piksyonal lamang.)
This is my first historical story! Sana magustuhan niyo ito!
-----------
"Ka'y ganda ng buwan." manghang wika ni Romana habang nakadungaw sa kanilang munting bintana.
"Anak ika'y magpahinga na pagkat tayo'y maaga pang papanik bukas. Ipinasok tayo ni Ka'Tonio sa isang hacienda dito sa bayan ng Biñan." Napatango nalamang ang dalaga at agad na isinara ang bintana. Humiga na agad to sa kanilang nakalatag na banig at nagtaklob ng kulambo.
Dahil kakalipat pa lamang nila Romina sa bayan ng Biñan, hindi pa maayos ang kanilang tahanan at wala pa siyang masyadong kakilala sapagkat hindi siya gaanong lumalabas ng kanilang bahay.
Sa kanilang magkakapatid tanging si Romina lamang ang namumukod tangi at kakaiba. Apat silang magkakapatid, ang dalawa ay lalaki at ang dalawa ay babae. Si Andres ang panganay sa kanila,22 na ito at may asawa na nagmula sa bayan ng Alegria na si Herminia. Si Alena naman ang ikawala sa kanilang magkakapatid, siya ay nasa edad 20 na ngunit nananatili paring dalaga dahil sa kaniyang mahinang pangangatawan. Maganda ito at balingkinitan tulad ni Romina, ngunit ito ay morena at may singkit na mata. Kung ihahambing silang dalawa ay mas litaw ang kagandahan ni Romina kahit na hindi pa ito lubos na nagaayos sa kaniyang sarili. Si Romina naman ang Ikatlo sa kanila, nasa edad 17 na ito ngunit para sakaniya ang pagtratrabaho para sa pamilya ay masmahalaga kesa sa pagaasawa kung kaya't lahat ng paanyaya at panliligaw ng mga mayayamang lalaki sakaniya ay agad niyang tinatanggihan. Si Romina ay balingkinitan at may mala gatas na balat, maganda ang kaniyang bilugang mata, matangos ang kaniyang ilong at maganda ang hugis puso niyang labi. Tila karamihan sa mga ginoo ay napapalingon sakaniya sa kaniyang ganda. Ang Ika Apat naman ay si Romulo, nasa edad 15 pa lamang. Sa lahat ng magkakapatid siya lamang ang may puso sa pagaaral, bukod kay romina si romulo din ay matalino. Kaya naman palagi siyang sumasama kay Romina sa pagtratrabaho upang makaipon para sa kaniyang pagaaral.
Alas singko pa lamang nang tumiktilaok ang manok na alaga ng kanilang itay. Bumanon na ang kanilang Ina na si Inay Teresa at sumunod na din si Romina na kasalukuyang nagliligpit ng pinaghigaang banig.
"Kumain ka na muna Romina, Gigisingin ko na din si Romulo para makasama sa Hacienda Facundo" Napatungo nalamang ang dalaga at agad na lumapit sa lamesang may nakalatag na kanin at tuyo.
Nagising na din ang kaniyang Itay at agad na pumunta sa lamesa upang kumain.
"Romina Salome" paninimula nito.
" Sa susunod na linggo ay makakabili na kami ng pawid at kawayan, kung kaya't pagkatapos naming magkumponi ay magkakaroon ka na ng sarili mong kwarto." Agad namang nanlaki ang mata ng dalaga at mabilis na yumakap sa kaniyang ama.
"Talaga po ba itay? Kung gayon mas gagalingan ko po sa trabaho upang mas malaki ang perang maiuuwi namin nila ina mula sa trabaho." Natawa nalamamg ang kaniyang itay ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ay may halong kalungkutan sa mata ng kaniyang itay. Bakit nga ba?
Agad na naligo at nagayos si Romina, isinuot niya ang kaniyang kupas at simpleng blusa at mahabang saya.
Hinayaan niya ang kaniyang mahabang buhok na nakababa at agad na hinanap ang kaniyang tsinelas na abaka."Inay Malayo ho ba ang hacienda na ating pagtratrabahuan?" Agad na nabaling ang atensyon ng dalaga sa kaniyang Inay.
"Medyo Malayo Romina kaya sasakay ka sa dala ng kuya Andres mo na kalabaw. Ikaw magpapakabait sa ating magiging amo pagkat napagalaman kong ang may ari ng hacienda ay ang Gobernadorcillo ng laguna. Kung kayat huwag kang basta basta sa pagkilos at huwag kang tatamad tamad sa trabaho." Nag umpisa nang umakyat ang dalaga sa kalabaw at agad na naglakad ang kaniyang Inay at mga kapatid.
"Nako Inay, sa aking palagay ay mabibihag nanaman ni ate Romina ang puso ng ating bagong Senior" humagikhik naman si Romulo dahil sa kaniyang naalala. Sa mga naunang hacienda na pinasukan ni Romina sa Alegria ay karamihan sa kanilang seniorito ay nahumaling sa kagandahan ni Romina kung kaya't minabuti na ng kanilang Itay at Inay na lumipat sa Biñan Laguna.
"Magtigil ka Romulo!" Inis na sermon ng kanilang Inay sa kanilang bunso habang hawakang tenga nito.
"Ina hayaan mo na po si Romulo, tiyak kapag nasaksihan po iyan ng kaniyang tinatangi ay hindi na po siya nito papansinin" napatawa ang dalaga habang nakasakay sa kalabaw.
Nang makarating sila sa tapat ng palayan ay agad na pinababa ang dalaga sa kalabaw.
"Dito po pala nagsasaka si kuya Andres Inay?" Napa tungo naman ang kaniyang Inay at nagsimula na uling maglakad. Si Romina naman ay nagpaalam na sakaniyang kapatid na si Andres bago tumungo sa hacienda.
Nadatnan nila ang malaking mansion na tila gawa sa bato. Maganda at klasik ang dating. Marami ang mga puno at mga halaman, mayroon ding Fountain na tila gawa sa bato at may lamang isda.
"Malaki pala Inay ang Haciendang ito" manghang wika ng dalaga. Halata sa tono nito na ito ang unang pagkakataon na maninilbihan siya sa malaking hacienda.
"Teresa! Halina kayo rito, ipakikilala ko kayo sa iba nating kasamahan." Batid sa dalaga ang pagtataka sa katauhan ng babaeng tumawag sa kaniyang Ina.
"Bago ang lahat ako pala si Lorencia ang asawa ni Ka'Tonio. Ako ang Punong kasambahay dito sa Hacienda Facundo at higit sampung taon na ako sa aking pamamalakad sa haciendang ito." Napabaling naman siya sa mga dating kasambahay.
"Mga kasamahan sila nga pala ang bagong kasambahay dito sa hacienda. Si Teresa at ang kaniyang mga anak na si Romina at Romulo" Agad na bumati ang mga tauhan sakanila at ginabayan agad sila ni Aling Lorencia.
"Teresa hindi mo naman sinabi sa akin na ikaw ay may anak na ubod sa rikit!" Bumaling ang Ale sa dalagang si Romina.
"Nako magiingat ka dito sa Hacienda. Si Señor Rafael ay ang anak ng may ari ng Haciendang ito. Makulit iyon at suplado sa ibang kasambahay. Samantalang si Señor Jose Hildalgo naman ay ang matalik na kaibigan at pinsan ni Señor Rafael. Siya ang anak ng Alcalde Mayor dito sa Biñan, matinik iyon sa mga dalaga kung kaya't magiingat ka sa dalawang iyon."
Napatawa na lamang ang dalaga sa pag bibiro ng matanda.Matapos ang oras ng kanilang paglilinis wala silang nasilayan na senior pagkat ito daw ay nasa intramuros at sa takip silim pa ang dating nito.
Habang naglalakad na sila ay agad na sumalubong sakanila ang isang malaking kalesa na may kurtina sa gilid, nang tumingin ang dalaga sa kalesa ay biglang umihip ang hangin dahilan upang masilayan ang matang sing linaw ng buwan. Ito ang unang pagkakataon na nabighani ang dalaga sa mata ng estranghero.
Lingid sa kaalaman ng dalaga na pati ang puso niya'y nabihag ng mga matang kaniyang nasilayan.
Authors Note: Sa Simula lang siya Third Person but sa next Chapter Point of View na ng Main Characters!
Sana magustuhan niyo, and medyo pagpasensiyahan niyo na if may wrong grammars at wrong spelling ako. I'll just edit those error after kong matapos ang story na to. Thank you for the support readers! ♡