"Ano ho bang trabaho ni senior Rafael?" Tanong ko habang nagwawalis.
"Nako, iyang si Señior Paeng ay nanggaling sa Espaniya upang tapusin ang kaniyang pagmemedisina at nang umuwi siya rito ay nagpatayo si Señior Gregorio ng Pagamutan, ngunit hindi pa iyon nabubuksan pagkat nagensayo siya upang maging mediko ng mga sundalo rito sa pilipinas." Napatango nalamang ako. Kaya pala marunong rin siyang lumaban.
"Bakit iha? Ikaw ba'y interesado kay Señior Paeng? Nako sa aking pagkakaalam ay mayroon ng nobya si Señior Paeng, at bali-balita na sila'y ipinagkasundo na. Sa susunod na taon ang kanilang pagiisang dibdib" Tukso ni Aling Regodon na isa ring kasambahay sa Hacienda.
"Hindi ho, nako Aling Regodon baka ho marinig ng iba iyan" napakamot ako ng ulo.
"Nais ko sanang malaman kung ano ang inyong pinaguukulan ng pansin? At Bakit hindi maaaring marinig ng iba iyon aber?" Napatingin ako kay Aling Regodon tila napalunok naman siya sa narinig.
"S-senior W-wala po iyon" napatingin ako sa baba
Narinig ko ang pagtawa niya. Ano ba ang ikina hagikhik niya?
Naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang kamay sa aking ulo, at agad niyang ginulo ang aking buhok.
" Iwanan mo na ang iyong gawain diyan pagkat ako'y may ipapalinis saiyo "
"P-pe" tila aangal pa sana ako, ngunit hindi ko na nagawa pagkat naglakad na agad ang Señior. Napatingin naman ako kay Aling regodon na tila nakangisi sa akin.
"Nasaan ho rito ang lilinisin ko senior?" Napalibot ang aking mata sa malawak nilang kusina. Tila wala namang dumi rito?
"Hindi ka maglilinis, teka ano pala ang iyong ngalan? Ito ang Ika'tlo nating pagkikita ngunit hanggang ngayo'y hindi ko parin alam ang iyong ngalan." Bakas ang pagtataka sa tono niya.
Bumuntong hininga ako nago tumikhim at sumagot.
"Romana Salome C. Ibarra po Señior"
Agad siyang napatingin sa akin.
"Kung gayo'y nais kitang tawaging Salome. Akmang akma sa iyong pagkatao ang iyong ngalan Salome" agad siyang ngumiti, dahilan upang sumingkit ang kaniyang mga mata.
"Magluluto ka Salome, Ipagluto mo ako" Bakit ako? Sa aking pagkakaalam mayroong taga luto ang Haciendang ito.
"Pero señior hindi ko po trabaho ito, sa aking pagkakaalam ho'y may taga luto po ang haciendang ito." Napangisi naman siya. Ramdam ko na rin ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo.
"Wala ang tagaluto Salome, Isa pa Nais kong matikman ang Iyong luto." Napatango nalamang ako't naghanda na ng lulutuin.
Nagpapaluto si Senior ng Kaldereta at Adobong manok. Kung kayat agad ko na itong inihanda.
Habang ako'y nagluluto sa isang katamtaman ang laki na palayok ay naramdaman ko ang presensiya ng Señior sa aking likod.
"S-senior ano ho ang ginagawa niyo?" Wika ko nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na nasa aking balikat.
"Hindi naman talaga ang luto mo ang gusto kong tikman Salome." Pabulong niyang wika sa aking tenga, na dahilan ng pagtindig ng aking mga balahibo.
"Señior katulong lamang ho ako, hindi babaeng bayaran" utas ko saka agad siyang sinipa. Matanggal man ako sa aking trabaho ay lubos kong tatanggapin, huwag lamang maalipin ng isang manyak na ginoo!
"A-aray" daing ni señior kung kayat agad akong lumapit sa kaniya.
Umalingaw-ngaw ang halakhak ni Señior Rafael sa buong kusina't lutuan.