Abala si Fritz sap ag-aayos ng kanyang gamit para sa susunod pa niyang klase ng yayain siya ng kanyang kaklase na maglaro ng football.
“Fritz, maglalaro kami ng football sama ka” yaya sakanya ng kaklase niya na si Lester.
“Sige kailangan ko pa kasing ayusin yung report ko sa ibang subjects baka kasi gahulin ako ng oras” pagtanggi niya sa paanyaya nito.
“Ano kaba naman. Puro ka na lang aral. Paminsan minsan mag-unwind ka naman. Makipag-date sa mga girls na nagpapacute sayo. Lalo na yung nasa isang babae sa College ng Business Management. Si Nhajela Catsao mukha talagang patay na patay ‘yon sayo” patudyong wika nito.
“Tigilan mo nga ako, Lester. Wala akong panahon sa mga ganyan atsaka hindi ko siya masyado siyang tamad mag-aral. Ni hindi nga siya nakakapasok sa TOP 100 students ng school natin” wika niya.
“Ikaw naman. Mukha namang masipag ‘yong tao. Nakikita ko lagi nalang nasa library ‘yon.”
“Basta ayoko sakanya. Ayoko ng mga ganoong babae na sila mismo ang nagpapakita ng motibo sa lalaki” mariing wika niya.
“Oo na sige na panalo kana. Pero, Fritz mahirap magsalita ng tapos malay mo pag-gising mo isang umaga in love kana pala sa babaeng iyon” wika ng kaklase niyang si Lester at tuluyan na siya nitong iniwan.
Para sakanya ay hinding hindi mangyayari na magkakagusto siya sa isang babaeng nakakapasa lang dahil sa sipag nitong magbasa ng mga libro. Paano kapag wala na ang mga libro edi hindi narin nito magagawang makapasa.
Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga gamit niya at hindi na nag-abala pang isipin ang mga bagay tungkol sa babaeng iyon.
“ARAY masakit naman ‘yon, Bes. Alam ko naman na kaya lang naman ako nakakapasa dahil sa halos isubsob ko ang sarili ko sa libro araw araw. As in super effort talaga ang kailangan ko para manatili sa scholarship” may himig ng pagtatampo sa mga tinig niya habang kausap ang matalik niyang kaibigan na si Ella.
“Eh kasi naman hindi naman ito ang gusto mo diba. Hindi naman talaga business management ang gusto mong course. Nasabi mo sa akin noong nasa elementary palang tayo na kapag nag-kolehiyo ka ay ang gusto mong kurso ay ang Tourism. Nanay mo lang naman ang nagpumilit ng mag Business Management ka eh. Para daw kapag nakapag-asawa kana ng mayaman ay makakatulong ka sa pagpapatakbo ng kompanya ng asawa mo” dismayadong wika ng kaibigan niya.
“Oo na Oo na.’wag mo ng ipaalala sakin ‘yan pwede ba. Kasi alam ko naman talaga fromt the very start na si Mama lang ang may gusto talaga ng kursong ito. Pero tulad nga ng sinabi ko wala akong magagawa kundi ang sumunod dahil sila ang nagpapaaral sakin.”
“Teka lang correction walang binabayaran ang mga magulang mo sa pagpapaaral sayo sa iskuwelahang ito. Scholar ka kaya libre lahat ng tuition fee mo pati na rin ang iba pang mga expenses mo sa school na ito.”
“Kahit na, anak parin naman nila ako. Gusto ko parin naman na makita silang masaya.”
“Kahit na nasasakripisyo na ang kaligayahan mo. Tsk..tsk sana lang katulad mo ako. Wait lang naibigay mo na kay Fritz ‘yong huling letter na ginawa mo para sakanya?”
“Hindi pa nga eh. Nandito parin sa bag ko. Teka papabasa ko sayo” napatigil siya ng mapagtantong wala ang hinahanap niyang sulat sa loob ng bag niya.
BINABASA MO ANG
Love Letters for Fritz
ChickLitPara kay Nhajela ay wala na siyang iba pang mamahalin kundi si Fritz Gerald Romero lamang. Ilan sa mga ugali nito ang gustong gusto niya. 1. Masungit 2. Walang pakialam sa kanya 3. Lagi siyang sinisigawan 4. At tahasan ang pagkadisgusto sakanya. ...