Chapter 1

57 1 2
  • Dedicated kay Gërald Chwaë
                                    

“Dear Fritz, alam mo ba na simula palang noong First year college tayo ay gusto na kita. At magpasahanggang ngayon ay ikaw parin ang gusto kong--” napatigil si Nhajela sa pagbabasa nang marinig niya ang isang tinig mula sa likuran niya.

“Love letter na naman para kay Fritz ang ginagawa mong babae ka” wika nang tinig mula sa likuran niya. Galing ito sa kakaklase niya na bestfriend niya rin na si Elleanore Joy Santobal. Kaklase niya ito sa ibang subject niya sa Business Management.

“Shh.. ‘wag ka nga maingay. Baka mamaya may makarinig sayo, mabuko pa ko” saway niya sa kaibigan niya.

“Alam mo kahit naman itago mo ‘yan. Alam na kaya ng buong campus ang pagsintang purorot mo sa Fritz na ‘yan. And I bet kahit si Fritz alam na rin ang tungkol sa pagsinta mo” wika nito.

“Wala akong pakialam. Ang mahalaga ay maiparating ko sakanya na seryoso ako sa nararamdaman ko” buong determinasyong wika niya.

“Hay bahala ka na nga ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka mamaya kasi hindi kana makaahon sa lalim nang pagkahulog mo sa Fritz na ‘yan. Oonga pala pupunta ako nang Tagaytay sa sabado gusto mong sumama?” wika nito.

“Titingnan ko muna kung papayagan ako ni Mama. Alam mo naman iyon kapag wala akong pasok parati nalang piano lesson ang pinagagawa sakin” wika niya. Alam ng bestfriend niya ang sitwasyon niya.

“Kung bakit naman kasi si Tita Elena ay pinipilit ka sa mga bagay na ayaw mong gawin. Sino bang magbe-benefit nang pinagagawa niya sayo. Siya lang naman diba. Para lang naman sa sarili niyang intension. Ano para ma-impress ang anak nang mayayamang kaibigan niya” may himig nang pagkadismaya ang boses nito.

“Wala naman akong magagawa kasi. Sila ang mga magulang ko kaya hindi ako pwedeng sumuway” malungkot na wika niya.

“Hay, basta mag-text kana lang sakin kung pinyagan ka ha, kailangan ko na kasing umalis nagtext sakin si Mommy nagpapasama mamili nang damit niya, sige bye, Bes” iyon lang huling sinabi nito sakanya at tuluyan nang umalis.

Matagal na niyang kaibigan ito. Simula palang noong nasa elementarya palang sila. Mas higit itong nakakaangat sa buhay samantalang siya ay anak ng isang government employee at ng isang plain house wife. Nakakapag-aral siya sa mamahaling iskuwelahan na yon dahil sa scholarship. At dahil narin sa pagpupumilit nang kanyang ina.

Ang kanyang ina na si Elena Catsao. Hindi niya kinakaila na may pagka-social climber ang kanyang ina. Mahilig itong makipagsosyalan sa mga kaibigan nitong mayayaman. At kahit na nagagalit na ang kanyang ama ay hindi pa rin ito tumitigil. At dahil nag-iisang anak lang siya sakanya tuloy napunta ang lahat nang frustration nito na yumaman. Hindi siya mahilig sa pakikipag-socialize sa mga amiga ng kanyang ina. Pero dahil narin sa wala siyang magagawa ay napipilitan na rin siyang gawin. Minsan naisip na niyang tumakas o lumayas at mabuhay ng malayo sa kanyang magulang pero sa tuwing iisipin niya ay parang wala namang kabuluhan ang dahilan niya upang maglayas. Ang kanyang ina ang pumipili ng lalaking gugustuhin niya. At kailangan ay napapabilang ito sa alta sa sociedad. Kaya ang pagkagusto niya kay Fritz ay nanatiling lihim sa pagitan nila ng kaniyang bestfriend na si Elleanore. Dahil tiyak na kapag nalaman ng kanyang ina ang tungkol sa pagkakaroon niya nang pagsinta kay Fritz na halos tatlong taon na ay isa lang ang mangyayari. Mag-e-eskandalo ito or worst ay hindi na siya papasukin sa iskwelahan na iyon.  

“Nandito na po ako , Ma” bungad niya sa kanyang Ina na kasalukuyang nagbabasa nang diyaryo sa kanilang salas.

“Nandito kana pala anak. Mabuti naman at parating na ang Piano Teacher mo. May darating na party ang mga amiga ko kaya kailangan mag-ensayo ka. Baka makabingwit ka doon ng lalaking mayaman” wika ng kanyang ina na hindi manlang nag-abalang tingnan siya at nanatiling nakatingin sa diyaryong binabasa nito.

Love Letters for FritzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon