Normal na ang makakita ng grupo ng mga inosente at mapaglarong mga kabataan. Na kung minsan, nagugulat nalang tayo kung gaanong sobrang close na ng mga ito sa isa't isa, kahit na kakikilala pa lamang.
Apat na kabataan, dalawang lalaki at dalawang babae na may edad anim hanggang pitong taong gulang, ang madalas nagkikita sa iisang lugar, kung saan sila ay nagbabahagi ng mga paniniwala, pinagdaanan at mga kaalaman. Madalas sila ay lumilikha ng sarili nilang mundo. Mundo, na nabuo ng magkakaibigang kabataan.
Ang grupo ay kinabibilangan ng batang lalaki na magulo at brownish ang kulay ng buhok na masayahin ang personalidad, batang lalaki na may mahaba itim na buhok na nakaponytail at may pagka-arogante kung titingnan, batang babae na hanggang bewang ang haba ng buhok sophisticated kung titingnan at isa pang batang babae na hanggang balikat ang buhok at may pagka-mahiyain. Ang mga ito ay madalas nagkikita-kita sa isang luma at abandonadong ancestral sa dulo na ng kanilang bayan.
"Hey kids, alam nyo ba ang kwento nang bahay na to?" Tanong ng masayahing bata.
"Not an idea." The arrogant boy answered "and you're a kid yourself" dagdag pa nito.
"What I mean was, my mom told me something about this abandoned building" excited nitong sagot.
"So ano nalaman mo?" Agad namang tanong ng batang babae na mahaba ang buhok. Pero animo'y walang rin namang interes sa topiko lalo at mas abala ito sa kanyang kuko.
Samantala, nanatili namang tahimik ang mahiyaing babae ngunit nakatuon padin ang buong atensyon sa pinag-uusapan.
"Sabi na mama, tawag daw sa bahay nato ay Hawla. At tinatawag na Maya yung may ari." Nakangiting banggit ng batang brown ang buhok.
"To tell you clearly".....
~•~•~•~•~•~•~•
Once upon a time.... In a faaaar far away land... there was a cage.. (better call it HAWLA instead), kung saan nakatira si Maya. Isang maliit na babaeng ibon.
Isang araw, nabuksan ang Hawla. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakalabas at makikita ni Maya ang mundo sa labas. Matagal ng pangarap ni Maya na makalabas, matagal na nitong pangarap na maipagaspas ang mga pakpak, makalipad at makapaglakbay sa malawak na kalangitan.
Ngunit wala itong alam sa totoong anyo ng mundo, dahil sa buong Akala ni Maya, the world was all rainbows and unicorns. Hanggang sa isang araw, unti-unting nagbago ang nasa paligid nito.
BINABASA MO ANG
Hole, Howl and Hawla
Short StoryIt was not a fairytale. It was never a unicorn drifting on a rainbow. It is a roller coaster. It is Narnia!! Note: I love tortures more than I love guns...