Prologue

9 1 0
                                    

Prologue:

Isang linggo bago ang katapusan ng School Year o sabihin nalang din natin na Graduation na nina Tiana ay nagkayayaan silang magbakasyon ng magkakasama.
Isa narin daw itong matatawag nilang pamamaalam na isa't isa.

Ang iba ay pinayagan ng kanilang mga magulang, ang iba ay meron nang sariling pagbabakasyonan kaya hindi na makakasama, at ang iba naman ay hindi pinasama. Halos kalahati lang ng klase ang nakasama, isa narin doon si Alice at Tiana.

Napagkasunduan nilang mag bakasyon sa kinalakihang probinsiya ng SSG president, vice president, at secretary. Ang kinalakihang probinsiya ng Trivinio's. Hindi man sila sa iisang kaklase ay pumayag parin dahil sa sikat ang mga ito.

Puno ng kasiyahan ang lahat papunta sa probinsiya ngunit hindi nila alam kung ano ang kahahantungan nila dito.
Madaming misteryo ang nakapalibot sa lugar na pagbabakasyonan nila na inaasahan nilang maaliwalas.

Ang saya at pag tawa ay napalitan ng  lungkot at pagiyak.

Ang pawis na inakala nilang mararanasan habang naghahabulan sa damo ng probinsiya ay napalitan ng dugong umaagos.

Isang malaking trahendya ang mangyayari.

___

I'm inlove with a cultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon