Tiana and Trivinio's:
Tiana's Point of view.
"Tiana, may plano kana ba sa bakasyon? " tanong ni Alice habang hinahati sa maliit na piraso ang steak na inorder niya.
"Wala pa" maikli kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain.
Nasa loob kami ngayon ng Cafeteria. Lunch break ngayon at heto kami ni Alice nasa pinakadulo ng pwesto.
Napag usapan namin ang tungkol sa bakasyon dahil sa isang linggo nalang ay Graduation nanamin at end narin iyon ng School Year. That's the end of us being a senior high student.
Wala pa talaga akong maisip na pag babakasyonan. Baka mag stay lang ako Campus Dormitory at mag aaral ng mag aral. Wala rin naman kasi akong kamag anak na pwedeng mapuntahan o mapagbakasyonan kasama sila.
Lumaki ako sa isang bahay ampunan, pitong taong gulang ako ng pumanaw si nanay dahil sa sakit na cancer. Wala kaming perang pang pa gamot sakanya. At si tatay naman ay iniwan ako sa bahay ampunan at hindi na muling nagpakita.
Maayos naman ang trato saakin ng ibang bata at mga madre sa orphanage. Pinakain, binihisan, at pinag aral din ako.
Iniwan ko ang bahay ampunan ng labing limang taong gulang pa lamang ako. Nung una hindi ako pinayagan ni sister sophia nung sinabi kong mag isa na muna akong maninirahan at mag trabaho mag isa.
I did my best para lang makapasok sa umaga upang makapag aral, fourt year highschool ako noon.
Pinilit kong mag trabaho kagit isa pa lamang akong menorde edad. Tumira ako sa pinapasukan kong tindahan ng goto. Mabait naman ang may ari ng tindahan at itinuring ko narin siyang sariling ina.Naging isa akong working student at sinikap kong maging tindera sa gabi at estudyante sa umaga.
May naka pansin saking isang matandang lalake na kumain sa pinag tatrabahuhan ko. Binigyan niya ako ng scholar ship dahil napansin niya daw na may magaling akong utak. Bibigyan niya daw ako ng monthly allowance basta daw ay maging masipag daw ako sa pag aaral upang kapag dumating ang araw na may makita rin daw akong katulad ko ay matulungan ko rin ito.Nang makapasok ako sa magarang Campus ay hindi naiwasan ang mga tinginan at bulungan. Ang iniisip ko ng mga oras nayun ay walang makikipag kaibigan saakin dahil sa isa lamang akong mahirap at walang pamilyang babae.
Pero..
Pero mali ako may nakapansin saakin at yun si Alice ang babaeng nasa harap ko nakikipag usap sakin at isa sa pamilya ko ngayon. Labing anim na taong gulang ako ng makapasok sa Campus na ito at nag karoon din ako ng matalik na kaibigan na akala ko ay hindi ako mag kakaroon. Dalwang taon ko si Alice naging katuwang sa buhay.
Hindi ko siya katulad, meron siyang pera marangyabg buhay na ibang iba saakin. Ngunit iba si Alice Sanchez, itinuring niya akong totoong kaibigan. Mag kasamarin kami sa isang Dorm at lagi kaming mag kasama.
Hindi parin ako makapaniwala na magkakaroon ako ng kaibigang katulad niya. Isang kaibigang sasamahan ako sa lungkot at kaligayahan, yan si Alice.
Ang matalik kong kaibigan.
"So ganub nga ang gusto ko, ano sa tingin mo? Huy Tiana! nakikinig kaba?"
Bumalik ako sa realidad ng marinig ang matinis na boses ni Alice. Ni hindi ko man lang namalayan na nasasalita pala siya.
Ang dami ko kasing iniisip eh...
"P-Pakiulit nga hindi ko masyadong narinig? " pagpapalusot ko.
Sana naman gumana. Hayss.
Tiningnan ako ng mabuti ng mga mata ni Alice na paravang inuusisa kung nag sasabi ako ng totoo. Naku patay na.
"Naku! Ang sabi ko wala rin akong maisip na pagbabakasyonan, and what if magkakasama nalang tayong magbakasyon? What I mean is tayong section 1-2." pagpapaliwanag niya at sabay titig saakin na parang nagtatanong kung maganda ba ang suwesyon niya o kung aprove ba ako duon.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a cult
RandomMagagawa mo bang mahalin ang isang taong matatawag mo naring alagad ng demonyo? Makakaya mo bang manatili sa poder niya? Magagawa mo bang mailapit siya sa panginoon? Hindi mo rin naman siguro gustong mahulog sa isang demonyo, diba? Pero pano kun...