"Have you seen Migs' new love interest?"
Patty asked as she settled beside me, sobrang lawak ng ngiti niya habang hawak hawak ang phone. I just shrugged before continuing my readings in Labor pero sadyang makulit si Pat. Hinarap niya sakin ang phone niya to show me Miguel's new crush.
Wala naman akong pakielam e, hindi ko din sana papansinin.
Pero sobrang familiar nong babae sa picture.
Hindi ako pedeng mag-kamali.
Damn.
Hanggang litrato manlalamig ka sa lamig ng tingin niya!
Para bang kagalit niya palagi ang mundo.
"Ganda no?Sobrang taray lang ng mukha!"
I couldn't take my eyes off the picture, parang gusto ko kunin kay Pat ang phone ng ilayo niya sa akin yon. Tsk.
Patay na naman tayo neto.
Picture palang yon..
"Popormahan ni Migs?"
Patty shrugged, "Alam mo naman yon kapag gusto niya makukuha talaga niya."
Huh.
Si Chandy? Makukuha niya? Goodluck nalang.
"Actually, andon ulit sila nila Casper sa coffeeshop. Sa may Bean, layo layo naman."
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin pero agad akong tumayo, immediately grabbing my bag. Agad nag-angat ng kilay si Pat at nailing. "Mga lalaki talaga mabibilis pag magaganda e." naiiling niyang sabi.
Hindi ko siya pinansin at mabilis na nag-paalam, palabas pa lamang ako nang makasalubong ko si Barb na papasok palang ng coffee shop. Her brows immediately furrowed nang makitang paalis ako.
"Pa'san ka?"
"Bean."
"Why?"
"Sawa na'ko sa kape dito." I lied.
Basta usapang babae ayoko talaga sabihin sa kanila.. hassle lagi mag-explain sa sobrang kulit nila kakatanong.
"Huy! Sama ako!"
Hindi na'ko umimik at hinayaan lamang siya, isa pa may auto to. Mas mabilis kami makakarating ng walang kapawis pawis. Wala pang ilang minuto nang makadating kami sa coffee shop. My eyes automatically scanned the room, mas nauna ko pa na nakita si Chandy kaysa sa mga kaibigan ko.
Her back's on me, hawak hawak ang phone at libro. Still the studious Chandy I know. Kasama niya ang kapatid ko at si Ansel.
"Ayun sila Casper!" Barb pointed the table using her mouth.
Lumapit kami kay'na Miguel. I purposely sat beside Migs dahil dito pinaka maayos ang spot para makita ang side-profile ni Chandy. Grabe, pwedeng manaksak yong ilong niya. Willing naman akong mag-pasaksak.
Potek.
Kailan ba ako madadala sa isang to?
Napatingin sakin si Cy at tumango, I just nodded back.
"Ayon yong crush ni Migs bro," bulong ni Casper habang nginunguso ang table nila Chandy.
"Who? Ansel?" Barb asked. Sabay sabay napatingin sila Casper kay Barb. Obviously, shock to know na kilala niya ang nasa kabilang table.
"You know them?" Eric asked her.
Barb's brow arched as she gave Miguel a smile. "Yeah, gusto mo ilakad kita?"
BINABASA MO ANG
Winning Hurricane
RomanceTantoco Series #1: For Chandrella Arquiluz, Hurricane Tantoco was nothing but a former competitor. The guy she solely hate from the day he started raising his hand everytime she does during recitation just to annoy her. He was nothing more than tha...