Chapter 2

139 7 1
                                    

MICA's P.O.V.

"Tulong!" sigaw ako ng sigaw pero parang walang nakakarinig sakin. Halos mainom ko na ang lahat ng tubig dito sa pilit na makakuha ng hangin.

Napapagod na ko sa kalalangoy sa pool na 'to pero wala pa ring sumasagip sakin. Ito na ata ang katapusan ko. Nagdasal na ako. Baka ito na ang huling araw ng buhay ko  T^T

"Lord kayo na po ang bahala sa pamilya ko. Alam kong marami akong nagawang mali kaya humihingi po ako ng tawad sa mga nagawan ko ng kasalanan. Kayo na po ang bahala sa kaluluwa ko kung san mapupunta, pero mas ok po sana kung sa taas. Salamat po!"

"Hoy! Anong drama yan?! Ang babaw babaw ng pool nalulunod ka pa? Tss." Aba't ang yabang ng lalaking 'to ah! Kala mo kung sino.

"Eh kung *blurp* t-tulungan mo kaya *blurp* ako!" Pinilit kong magsalita pero hindi na talaga ako makahinga.

Bigla na lang may humagis ng salbabida sakin. Sa halip na makuha yung salbabida at maka-ahon, natamaan ako sa ulo na naging dahilan para malunod na talaga ako. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

**

-.-

0.-

-.0

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Teka asan na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Iniikot ko ang paningin ko. Nasa resort pa rin ako at... at ang naalala ko lang, nalulunod ako kanina. Tapos may sumagip sakin, tapos hindi ko na alam ang nangyari.

Nang nag-sink in na sa utak ko ang nangyari at umayos na ang paningin ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May lalaking papalapit sa mukha ko at-- Teka! Hahalikan nya ba ko?!

"Aray! Bakit mo ko sinampal?!"

"Hoy estrangherong lalaki ang lakas naman ng loob mong halikan ako e hindi naman kita kaano-ano."

"Sungit naman nito. Gusto ko lang namang tumulong sayo e. Diba nga ako ang nagsagip sayo sa pagkalunod." Tinaas-baba nya yung kilay nya. Aba! Ang yabang nito ah.

"Right insan, kaya wag mo naman syang sigawan." kinapihan pa talaga nitong si insan ang lalaking 'to.

Tumayo na ako at umalis. Nakaka-inis yung dalawang yun. Pati 'tong si insan kinampihan yung mayabang na lalaking yun kesa sakin. Narinig kong may tumatawag sakin. Si insan. Hindi ko na lang sya nilingon. Ang aga-aga nakakabad trip!

"Oh anak. Ang aga-aga nakakunot yang noo mo. What happened?" Bungad sakin ni mama.

"Wala ma. I'm okay." Tumango naman si mama.

"Asan na si Shaula? Hindi ba kayo nagkita? Hinahanap ka nya sakin lately e."

"Yeah I saw her. But she's with another guy. Pinabayaan ko na lang." tumango si mama at nginitian ko naman sya at nagpaalam na pumuntang kwarto. Bakit ba kasi hindi sa private pool nagpunta. Andami pang epal dito.

Bestfriend ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon