Thalia's POV
Hindi ko parin makalimutan ang nangyari noong isang araw. Hindi dahil sa inaway ako ni Meghan, kundi sa pagsagip sa akin ng teacher namin. All my life, I never recieved someone's help. Kahit nga mga teacher namin hindi pumapalag sa kahit anong awayan ng mga studyante.
Takot. It is because of fear that they always stay quiet. Takot sila na mawalan ng trabaho. Sa sobra kasing yaman ng mga pamilya sa eskwelahan namin. Kayang kaya nilang alisan ng status ang isang indibidwal. That's the rule of this society. Survival of the fittest kumbaga.
"One cup of capuccino please."
"Coming right up sir. Your name please?"
"Drake"
Agad kong sinulat ang pangalan nito sa cup at sinabihan na umupo muna. Everyday after school, nag ta-trabaho ako para kumayod. From afternoon to midnight shift ang trabaho ko. Imbes na sayangin ko ang oras sa pag tulog ay ginagamit ko nalang ito sa pag trabaho para narin may pangastos ako sa pang araw-araw. It's exhausting but I have no choice. Hindi sakop ng scholarship ang mga extraculicular activies sa paaralan namin.
"Lia? Kaya mo bang e-take over muna itong counter? May emergency kasi sa bahay." Idinikit nitong parehas ang kaniyang kamay na parang nag dadasal.
"Please."
"Sige Sharmaine. Iwan mo nalang muna at ako muna ang papalit sa iyo." Saad ko habang gumagawa ng kape.
"You are a life saver, Lia! Promise mabilis lang to at babalik rin ako kaagad." Tinapik ako nito sa balikat at hinubad na ang kaniyang apron at dali-daling lumabas sa coffee shop.
Sharmaine is a co-worker here in this coffee shop, but far from a friend. Hindi ako plastik, hindi ko lang masyadong idinidikit ang sarili ko sakanya. After all, malas lang ang dala ko sa mga taong lumalapit saakin. Kaya hangga't pwede ay dumidistansya ako sa kahit sino.
Naiintindihan ko si Sharmaine, kung ako man ang nasa posisyon niya ay handa akong iwanan ang post ko. Sadly, I don't have that reason. Wala akong pamilya, kaya wala rin akong pag aalayan ng pag-aalala.
"Miss, tapos na?"
"Yes sir, Drake?"
"Oh you know my name?" Nabigla nitong tanong.
"Oh no, sinulat ko po 'yung pangalan niyo dito sa cup. Kaya ko po nalaman ang pangalan ninyo." Paglilinaw ko.
"Oh, I see. Sorry for misunderstanding. Here's my payment." Inilapag nito ang isang perang papel sa counter. Kinuha ko naman ito at naghanda ng pampalit. "By the way, keep the change miss. It's a token of friendship." Saad nito saka bumalik sa kinuupuan niya.
Naiwan akong nakatunganga sa counter habang hawak hawak sa kamay ang perang papel na ibinigay niya saakin. And what was that? Token of friendship? Kailan pa kami naging mag kaibigan?
Dahil sa wala pa namang bagong mag o-order ay nilisan ko muna ang ang counter at pinuntahan ito sa kinauupuhan niya.
"Excuse me po sir, pasensya na po, but please take this back. Bawal po sa aming policy ang pagtanggap ng sobrang bayad." Ipinatong ko sa mesa ang sukli saka nag lakad palayo. Napansin kong nabigla ito sa ginawa ko pero hindi ko nalang pinansin. Hindi na ako lumingon pa at bumalik na lang sa counter at hinintay na bumalik si Sharmaine sa coffee shop.
---
Madali nang mag hating gabi ng isara ko ang coffee shop. I told Sharmaine not to worry about the shop and just stay with her family. I also told her that our manager is out for a while. Luckily, wala ito dahil sa sick leave at nagkataon rin na may lakad si Sharmaine.

BINABASA MO ANG
Kismet
FantasyDo you believe on karma? Misfortunes? Because Thalia do. In the world she lives in, Thalia cursed herself as a woman that brings bad luck. Isang babae na punong puno ng malas. Walang may gusto. As she grew up, her karmic situation haven't change. Sh...