Chapter 3: Yui

4 1 0
                                    

Thalia's POV

Fairies, dwarves, and gods do not exist in reality. Sa libro lang sila makikita. At mga bata lang ang naniniwala sa mga kwentong hindi naman totoo at walang basehan.

Alam ko rin na sa ibang bansa ay may mga kwento tungkol sa mga ibat-ibang diyos. Kadalasan nga, may mga kwento pa ito ng kanilang pinagmulan. Ngunit hanggang kwento lang. Pero sino bang tao ang agad na miniwala kung may magpapakilala sayo at sasabihing siya ay diyos. A god of fate to be exact.

Pinag iisipan kong mabuti kong anong aksyon ba ang angkop sa siwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Sa katunayan, natural lang na tumawag ng pulis sa mga ganitong pagkakataon. But it would be unconvincing once they take a look at my house. Sino ba ang maniniwala kung sasabihin kong may magnanakaw sa isang barong-barong na wala namang makikitang kanakaw nakaw?

"So you identify yourself as the god of fate? Meron bang red string na nakatali sa kamay ko at sasabihin mong nakatadhana ako sa kung sino mang lalaki? O kaya sasabihin mo na mamatay ako ngayon at dahil diyos ka bibigyan mo ako ng isang wish at tutuparin mo iyon?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Inalis niya ang kaniyang kamay sa bulsa saka napahawak sa baba niya at napakunot ng noo na para bang may sinuri ito. "Nope, you're not gonna die today nor tomorrow. Saka saan mo ba nalaman yang red string nayan? We deities are not able to control or force someone to fall in love. It was humans who control their feelings in the first place. We only bestow them our blessings and guidance, and act as the foundation of thier promises." Paglilinaw niya nang may seryosong mukha.Ilang segundo rin kaming natahimik saka muli siyang nag salita.

"About the red string that you were talking about. You are partially wrong about that." Napakunot noo ako, kasabay ng pag liwanag ng aking mukha. So a red string truly exist!

"I said you are partially wrong about the whole thing about love and destiny. Walang kahit anong bagay ang nakatali sa isang tao. However, instead of a string. Humans emit this energy that is concievable to gods such as myself. We can interpret it as life itself. The more that energy is dense, the longer a human can live. Posible rin na umabot ng 300 years ang buhay ng isang tao. But that's impossible, no human can live that long and if its true, both mortal and heavenly realm would be place in jeopardy." Tuloy-tuloy niyang kwento saakin.

Hindi ko parin magawang maniwala sa lahat ng pinagsasabi niya. Sure, some of it was realistic, and that's why I should be careful. They say a good lie is always mixed with a bit of truth. Tumayo ako sa harap niya, but this time I prevented myself from looking at his eyes. Sabi daw kasi, kadalasan, kung walang langis madalas nagagamit ang mata sa mga budol budol. And in my opinion? Its better to be safe.

"You're still doubting me, aren't you? Its impolite suspecting bad thing's to the one who saved you." Sabi niya habang sumisilip ang maliit na ngisi nito sa labi. Alam ko na masamang pagdudahan ang taong sumagip sa buhay mo. But no one can blame me, I'm just being cautious.

"You might have saved my life and I'm grateful for that. Pero hindi yun dahilan para mag tigil ako na pag suspechahan ka. Lalo na kung b-".

"Hindi ako budol and its uncalled for a deity such as myself." Pag tama nito saakin. Kung hindi siya bud-- , bigla akong napatigil at napatingin sa mata niya sa pagkabigla. It cannot be!

"You can't believe that I just read your mind. And you are shocked because you are now starting to think that everything I said is true." Sunod sunod nitong sabi without sparing me his explanation. Unti-unti akong napa-upo sa kama. At dahil gawa sa plywood at luma na ito ay tanging creak ang nagbigay ingay sa paligid namin. All this time, he was reading my mind!? That's why he was able to tell everything, before I speak. And if he can read my mind? Does it make him a higher being? Lahat ba nang sinabi niya ay totoo? God Thalia! You? Believing his nonsensical reasons?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon