[Nicole]
Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya. Kadarating lang niya galing sa opisina. Ito na ang pangatlong araw na hindi niya ako kinakausap mag-buhat nang marinig niya ang pag-uusap namin ni Cee. He was giving me a cold treatment,bagay na mas ikinatatakot ko. Mas gusto ko pang magsigawan na lang kami atleast nalalaman ko kung anong nasa isip niya. Hindi tulad ng ganito,he's silent and I dont have any idea what is on his mind.
"a-aalis ka?" I even stood up from the bed.
This is the time that he laid his eyes on me again. Para kasing kasalanan na tignan ako nitong nakaraan.
"Business trip." maikling tugon niya habang pinagpatuloy ang paglalagay ng ilang damit sa maliit na meleta.
"i-ilang araw ka doon??"
natetense ako. Bakit ganito?
He stop and turn his gaze on me. Mukhang wala siya sa mood na i-entertain ako. Sa mga tingin niya sa akin ay parang gusto niyang i-dismiss kaagad ang comversation.
"I dont know. depende sa mga taong kakausapin namin ni Hyorin." Iniwas niya ang tingin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Pambihira!
"W-what?!" Asik ko sa kanya. "Kasama mo si Hyorin?! Are you sure na business trip ang-"
"Then what should it be?!" He raised his voice at naging mapanganib ang mga tingin niya sa akin.
Hindi pwedeng magkasama si Hyorin. Kasi.. kasi.. baka..
Parang umurong ang dila ko dahil ngayon ko palang naisip na masama ang dating ng mga sinabi ko.
"K-kai. .. Alam kong galit ka.." naiiyak akong tumingin sa kanya ulit.
Linapitan ko sya. Doon ko lang narealize kung gaano ko siya na-miss. Nag-se-second thought pa ako kung yayakapin ko ba siya ngayon o hindi.
Miss na miss ko na talaga ang asawa ko. Iyong tipong kahit magkatabi kaming matulog parang ang layo niya sa akin? Pagdating niya sa bahay galing office,hinahanap ko yung dati niyang ginagawa kapag matutulog na kami.. Namimiss ko yung.. yung.. magkayakap kami sa pagtulog..
Namimiss ko na sya..
"P-pero di naman ganun iyon,Kai. Cee and I having a--"
"You dont need to explain,Nics. I knew it!" bumuntong hininga sya at tinalikuran ako. "All these years,akala ko masaya ka. Akala ko.. akala ko hindi ka nagsisisi? akala ko okay lang ang lahat.. basta magkasama tayo." Bahagyang gumaralgal ang boses niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kung nasaktan ko pala sya ng sobra dahil sa mga narinig niya?
Yumuko sya.
"This is so much for us,Jagi. M-matulog kana.."
"N-no. Hindi ako makakatulog hangga't di tayo--"
"Dammit!" napapikit ako nang basagin niya ang picture namin noong kasal na nasa bed side table. "Im mad! galit ako kaya pwede ba.. " Pinikit nya ng mariin ang mga mata niya at umiwas ng kaunti sa akin." pwede bang pabayaan mo muna ako?!"
Kahit noong di pa kami okay,di pa niya ako sinigawan ng ganito. Ngayon pa lang. He even ruin our picture. Umiiyak akong lumapit doon sa frame na binasag niya.
Kasabay ng pagdurugo ng daliri kong nasugatan ang aking puso. Ang saya namin pareho doon,pero ano kami ngayon??
"Palabasin mo si Cee please. Kailangan ko syang makausap,Nics."
BINABASA MO ANG
OPLAN: Pikutin si Kim Jong In BOOK 2
Fanfiction"Every People deserve a happy ending" Pero bakit pakiramdam ni Nicole wala siyang karapatam magkaroon noon? Mag-iisang taon na silang Kasal ni Kai. Buong akala niya ay magiging maayos na ang lahat dahil isinilang na niya ang ank nila ni Kai. Ngunit...