Chapter 19

33 2 0
                                    

Credit for RACHEL IRISH CANALITA. Salamat sa Concept :) XD pasensya na sa mga changes na ginawa ko. Hope you'll like it :) YengYeollie Misses you. Pasyal ako Minsan sa store XD.

____________

[NICOLE's]

Wala sa sarili akong naglalakad papunta sa park. Dito kami madalas mamasyal ni Kai noong buntis pa ako sa nalaglag naming baby. Actually kahit noong buntis ako Kay Baby Jong In dito din niya ako dinadala.

Umupo ako sa swing at malalim na nag-isip. Gusto kong umiyak kasi di ko na alam ang gagawin ko. Dapat ko bang tanggapin iyong alok ni Mr Min?

Baliw lang ang tatanggi!

Nahilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko dahil baka mag-break down ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

"Jagi..??" I look around para ma-check kung si Kai nga ang tumatawag sa akin.

"Im here. Nasa likod mo ako. Bakit ka nandito??"

Napatayo ako. Mabuti na lamang at nagpalit na ako ng damit. Hindi ko inaasahan na.magkikita kami dito.

"Im asking you,why are you here?" tanong niya ulit.

"Ikaw? B-bakit ka nandito?" lumunok muna ako ng sarili kong laway.

He just sigh at bigla na lamang niya akong niyakap.

Ako man ay yumakap na din sa kanya. Marahil ay may problema kami pareho kaya ganito. Kaya kami dinala ng mga paa namin dito.

"I love you,Jagi." he whispers. Nakadama naman ako ng kaba sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Magagalit ka ba kung sasabihin ko na.. na.." tila hirap siyang magsalita. "na.. h-hinalikan ako ng anak ng investor ko??"

Ano ba sa palagay mo?! Matutuwa ako?!

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"L-look. I want t-to be honest jagiya. Im telling you this dahil mahal kita. H-hinalikan niya ako a-at-"

"may nangyari ba Kai?!" bahagyang tumaas ang aking boses. Di ko na mapigilan ee. Hindi siya sumagot kaya napatiim bagang ako. Ang bilis naman niyang makalimot. Akala ko ba oky lang kahit di namin madalas gawin yon? Akala ko ba kuntento siya sa akin? Nakakainis.

Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong lumakad palayo.

"jagiya,sandali! Wala naman nangyari okay?!"

Hmp! Lokohin niya ang lelong niya! Wala daw! Knowing him,isa lang naman siyang sexy dancing machine,gwapo at .. at.. Macho! Imposibleng maka-resist siya sa alindog ni Hyorin?! Ang gandang babae nun,sexy at malaki ang b**bs. Wala akong panama,wala okay?!

Naramdaman ko ang mainit na likido sa mata ko. Pinahid ko yon at hindi ko siya pinansin. Nagpupuyos talaga ang kalooban ko.

" I said wait!" sigaw niya at marahas niyang hinila ang aking braso. Pabalya niya akong hinarap at hinalikan ng mariin sa labi. I closed my eyes cause it is heaven.

Pagkatapos noon ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"jagi hear me out first okay? Magtiwala ka sa akin.." hinaplos niya ang aking buhok tska hinalikan ulit ako.

OPLAN: Pikutin si Kim Jong In BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon