Chapter 21 (part2)

56 2 0
                                    


_________

"Paano mong ipapaliwanag sa amin na isang buwan ka ng di pumapasok sa School?!" nagpipigil na tanong ng kanilang ama sa kanya.

Ano na'ang gagawin ko nito??

"Walanghiya kang bata ka! Sumagot ka!" sigaw nito ulit.

Katulad na katulad nito ang nangyari noong panahon na hinahabol pa ni Nicole si Jong In.

Lumunok siya ng kabaragbag bago nagtangkang sumagot.

"Itay... kasi.." buntis po ako at..

"S-si Sehun, m-matagal na po kaming w-wala. At.."

"Huwag na huwag kang magkakamaling sabihin na nabuntis ka ng lalaking iyon dahil-"

"pero buntis ako at siya ang ama,itay!" Deklara niya. Medyo dumistansya siya ng kaunti para kung sakali man na sampalin siya nito ay handa siya.

Napatingin siya sa kanyang ate na ngayon ay nanlalaki ang mata. Para itong maluluha na ewan.

"A-anong sabi mo?!" halata ang pagkadismaya sa tinig nila.

"T-tama po ang dinig niyo itay. Buntis-"

Nangapal ang pisngi niya nang maramdaman niyang sinampal siya ng kanyang ina. Hinila pa nito ang buhok at minura-mura.

"Sinira mo ang buhay mo ikaw na haliparot na babae ka! Nasaan na si Sehun?!"

"Ma,huwag." nagpapanic siya. Hindi kailangang mabunyag ang sekreto nila. Sehun will be terminated if they will do that.

"P-please Mama,nagmamaka-awa po ako. H-huwag niyo pong -"

"Tanga!" isang sampal na naman ang iginawad sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nakialam na si Nicole sa kanila.

"M-ma,tama na po. A-ako na. Alahanin niyo na buntis siya at bawal ma-stress." pilit nitong iinaalis ang mahigpit na hawak ng kanyang ina sa buhok ni Cee. Nagpa-ubaya ang ina nila at hinayaan na lamang na akayin siya nito. Kaagad na yumakap siya sa kanyang ate at doon umiyak.

"Im s-so sorry ate.."

"Naiintidihan kita,Cee. A-alam ko ang pakiramdam na 'yan." hinagod-hagod pa nito ang kanyang likod upang pata-hanin siya.

"Huwag ka munang uuwi sa bahay,bahala ka sa buhay mo! Bilang parusa,huwag ka munang magpakita!"

"At isa pa,di na kami makikialam sa buhay niyo. Tutal naman ay wala kayong sinunod ni isa man sa utos namin ng ama ninyo." saad ng kanyang mama. Umalis ang mga ito na puno ng panlulumo dahil sa katangahang ginawa niya.

Ini-upo siya ni Nicole sa sofa ng bahay.

"Now,mag-explain ka sa akin. Magmula umpisa hanggang huli" sabi nito kay Cee.

Si Cee naman ay lalo yatang babalahaw ng iyak pag-kaalala sa sagutan nila ni Sehun kanina.

Galit na galit ito sa kanya. Sehun might slap her face if he hadn't control his self.

"W-we made love a several times ate.. palihim kaming nagkikita sa loob ng isang taon. Im so sorry kung di ko agad sinabi sayo na kami na.." yumuko siya dahil sa pagkaka-alalang kaya gabi ang pinili niyang schedule sa School ay dahil din kay Sehun. Sa twing gabi sila laging nagkikita.

Madalas ay sinusundo siya ni Sehun sa eskwelahan,hinahatid hanggang sa kanto ng subdivision kung saan ang bagong bahay nila.

Sehun often ditched his schedule just to see her.

At ganoon din siya,madalas ay di niya pinapasukan ang panghuling subject niya na ikinakagalit naman ni Sehun.

Masaya sila kahit lihim lamang ang kanilang relasyon. Feeling niya,mas lalo pa ngang umigting ang pagmamahal nila sa isa't-isa dahil napaka-ikli ng oras kung magsama sila.

Until that night,a wonderful night came. Iyon yung time na nakalimot sila pareho ni Sehun.

Naalala niyang sa likod ng dorm nila unang sinubukang gawin. At,pagkatapos noon ay hindi lang isang beses nilang sinubukan,kundi maraming beses,at ang pinaka-huli ay ang kagabi.

"Ate hindi ako nag-sisi na nabuntis ako. M-mahal na mahal ko si Sehun.." impit niyang sabi habang pinupunasan ang nagmamalibis niyang luha sa mukha.

"H-hindi pa kami nag-away ng ganito ka-grabe ate.. kanina lang.." para siyang pinapatay sa mga oras na iyon. Naalala niya kung gaano niya nasaktan ang lalaki nang sabihin niyang kalimutan na lang nila ang isa't-isa. She even dare him,na kapag hinanap pa siya nito ay di siya magdadalawang isip na ipalaglag ang baby nila.

Sinabi niya kay Sehun na para ito sa ikakabuti nito. He might lose his career at ayaw niyang maging tulad ito ni Kai Oppa.

Nagalit si Sehun sa kanya. Ni hindi nga niya alam kung paano siya naka-alis ng dorm.

Basta hindi niya hinubad ang t-shirt nito dahil naisip niyang ito na ang huling bagay na makapag-papaalala sa kanya kay Sehun maliban sa baby nila.

"I guess tama ang ginawa mo,Cee. Atleast,m-may natitira ka pang isip di katulad ko.. tama ang ginawa mo Cee. Huwag kang magsisi na hiniwalayan mo siya." umiiyak na komento na din ng kanyang ate. Pareho yata silang may pinaghuhugutan kaya ganito.

"SME will refund his money sa oras na malaman nilang nabuntis ka niya.. Masyado lang akong bulag sa pagmamahal kay Jong In noon kaya hindi ako pumirma ng annulment. Di ko kayang iwan siya.. Kaya heto ako ngayon naghihirap sa-"

"Tell me,nagsisisi ka bang hindi mo na lang ako iniwan?"

That voice made them shiver. Napagtanto nilang dalawa na prente ng nakatayo sa pinto ang galit na galit na si Jong In..

_________________

OPLAN: Pikutin si Kim Jong In BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon