PRESENT

345 9 0
                                    

Justin's POV

Dali-dali akong pumunta sa venue ng seminar. Tsk, kung hindi lang talaga napakaimportanteng client nung mineet ko kanina eh 'di nauna na sana ako sa event. Hindi naman sa gustong-gusto ko mag-attend ng seminar pero kasi andaming start up businessmen and women na pupunta ngayon. Bilang isang consultant for start up businesses and lawyer on the side, kailangan kong mag-establish ng connections sa kanila. Kailangan kumita ng pera para sa kinabukasan ko at papaano ako kikita kung mamimiss out ko ang mga oppportunity na ganito?

Nasagi ng sapatos ko ang isang baso sa sahig papuntang ballroom ng hotel. Bakit may baso dito? Pinulot ko na lang baka makadisgrasya pa ng iba eh. Patayo na sana ako nang may bumangga sa'kin na kung sino.

"Aray! Tingin-tingin naman, o." Bubulyawan ko na sana 'yung nakabangga sa'kin kaso nakita ko ang mukha niya at agad akong napahinga ng malalim.

"Ken?" Pagkabigla kong sabi.

"Jah." Sagot niya sa'kin. Halatang nabigla rin siyang makita ako dito.

"Paano? Baki---" Napatigil ako sa pagsasalita. Eto ka na naman Justin. Nauutal ka na lang lagi 'pag kaharap mo siya. "Nevermind." I finally said after a few seconds ng pagkatulala.

Gusto ko talaga tanungin kung bakit siya nasa Cebu ngayon kahit sa Maynila naman siya nagtatrabaho. Tangina nakakagulat lang kasi.

"Sorry." Sabi niya sa'kin.

Napaisip ako. 'Yang sorry ba na 'yan ay ang sorry mo na para sa lahat ng nangyari sa'tin dati?

"It's okay." 'Yan lang ang nasabi ko. 

Teka nga lang, Justin? Meron bang nangyari sa inyo ni Ken dati para magkaganyan ka ngayon? Ang awkward amp.

May tumawag sa kanyang babae. Ewan ko anong sinabi, hindi ko marinig. O sadya lang talagang nabingi ako saglit nung nakita ko ang isang magandang babae na tumatawag sa kanya.

"Una na ako." Tumango lang ako. Buti naman at kinakausap mo na ako ngayon. 

Umalis na siya kasama nung babae. Pumasok sila sa ballroom kung saan din ako dapat patungo. Takte biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ayoko na biglang pumasok sa loob. Pero hindi pwede. Kailangan ko 'to. Para sa kinabukasan ko. Matagal na akong hindi nagpapaapekto kay Ken. Isa lang dapat 'to sa mga araw na 'yun. Napabuntong-hininga ako at pinilit na ngumiti. Dahan-dahan na akong pumasok sa loob wearing my best business smile and go-getter face. 

Here we go.

Thirteen YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon