CHAPTER 1

17 0 0
                                    

After the very hectic and no-enjoyment month, we are now here in Siargao to celebrate our vacation. Hindi kami nakapagsaya last month kaya susulitin namin ang aming bakasyon ngayon. At habang pababa kami ng sasakyan ay tanaw na tanaw namin ang ganda ng karagatan. Ang tunog ng hampas ng alon ay maririning mo din.


Tila ba gustong gusto na ng mga paa ko na mabasa ng tubig dagat.

Hawak hawak ko ang maleta ko habang nagchecheck-in si Angel. Binuksan ko naman ang phone ko at baka sakaling may nagtext man lang. Nang macheck ko at wala naman ay binalik ko na ito sa bulsa ko at hinintay na lang si Angel.

Mananatili kami dito ng dalawang linggo at pagkatapos ay gagamitin namin ang mga natitirang araw para sa business. Nakaugalian na kasi namin na half of our vacation time will be spend in the business. Parang training na rin namin.

Noong nakaraang taon nga ay naghandle ako ng isang deal at laking pasasalamat ko naman na naging successful ang deal na iyon. Hindi naman kami pinipilit para gawin iyon, sadyang kami lang ang may gusto para matuto na din at magkaroon ng background sa magiging trabaho namin in the near future. Wala din naman kaming mapaglalaanan ng oras kaya mas pinili ko na lang din iyon. Gumaya naman sa akin si Angel.

"I just noticed that we don't have any business here in Siargao. I think building a resort here or hotel will be great since there are a lot of beautiful beaches here." Suhestiyon ni Angel.

Well, I agree about what she said. Siargao is indeed, a beautiful place filled with beautiful beaches. Pero kung mapupunta lang din naman ang Siargao sa mga negosyanteng puro pera lang ang iniisip ay huwag na lang!

I want this place to be what it is. Natural!

Ayokong madiscover ito ng ibang mayayamang tao kasi they will take advantage of it. Papatayuan ng buildings na makakasira sa magandang kapaligiran ng siargao na madaming puno at mga halaman. At kung tatayuan naman ng mga resort o gawing private property ang ibang beaches ay paniguradong iibahin nila ang itsura nito. I want to preserve the real look of Siargao.

"Siargao is beautiful as it is. I hope that they will preserve its original beauty." Sagot ko naman habang pasakay sa elavator patungo sa room namin.

Separate ang room ni Angel at nang akin kasi ayon naman talaga ang nakasanayan namin and to have privacy na rin naman.

Pagkarating ko sa room ko ay inayos ko ang mga gamit ko at inilibot ang paningin sa room. I am really mesmerized by its design. Ang disenyo ay hango sa kalikasan. The green colors of the wall is very relaxing to my eyes. Para bang healing room ito sa mga stress na tao.

And whoever designed this, salute to you!

Ang ganda lang kasi ang tema ng mga room dito ay tungkol sa kalikasan which is also one of my advocacy in life kaya ang mga foundation namin madalas ay about saving nature. Bilang isang malaking kompanya ang aming pag aari ay mayroon kaming madaming foundation na sinusuportahan at kadalasan doon ay ako ang pumili. Simula sa lobby design nila kanina na nature design, iyong mga poste o haligi ay dinisenyo na parang puno ng kahoy, ang mga kisame na may pintura na mga sanga at dahon, at ang mga ilaw na tila ba sila ang naging bunga.

I love this hotel! I wonder who owns this.

Dahil alas-kwatro na ng makarating kami at natapos ako sa pag aayos ay mag aalasingko na ng hapon ay napagpasyahan ko na maligo na muna.

Binabad ko ang aking sarili sa bath tub at hinayaan ang init na manuot sa aking balat. How relaxing!

Angel:  Hey! I am hungry.

Text ni Angel sa cellphone ko.

Sakto naman na tumunog din ang aking tiyan, hudyat na gutom na din ako.

Memories of TomorrowWhere stories live. Discover now