Chapter 05

15 4 5
                                    

Weekend end so fast and today is the foundation day and also the day that I am a slave, his slave.

Naalala ko ang nangyari nuong sabado habang nasa mall kami.

“You look cute when you smile” at sa tanang buhay ko nag blush ako first time, magsasalita na ako ng biglang marinig ko ang malakas na tawa nya.

“Pfft nag blush ka hahahaha sineryoso mo naman ang sinabi ko joke lang yun ano. ” dahil sa sobrang gigil at kahihiyan na naramdam ko sinipa ko ang binti nya kaya napaaray sya bago ako tuluyang umalis ng nanghihinayang dahil sa libre nya.

Pero kung kahihiyan naman ang kapalit nun mas gugustuhin kopang kumain mag isa at gumastos.

“ Sorry po” Bumalik ako sa realidad ng mabangga ako ng isang freshmen na nagmamadali at madaming dalang gamit para yata sa booth nila yun.

Ngumiti lang ako para ipakita na ayos lang.

Sinimpat ko ang relo sa wrist ko dahil sobrang tagal ni Rob kanina pa ako nakatayo sa may harap ng library dahil iniwan kona ang bag ko sa loob cellphone, panyo at wallet lang ang dinala ko para less hassle.

“Aga mo ah gusto mo agad ako makita” speaking of the devil.

“Wag makapal ang muka mo kasabay ako pumasok ni Tris.” Hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya eh sa maaga ako eh ano magagawa nya.

Pumasok sya sa library para iwan din ang bag nya pero nakasabit naman sa leeg ang camera nya.

Tinanggal nya ang camera sa pagkakasukbit sa leeg nya tsaka binigay sakin.

“Ohh slave kita ngayong araw diba” ngumisi sya sakin tsaka naunang maglakad.

Nag sisisi nako ngayon na pumayag ako sa dare nya edi sana ineenjoy ko ang foundatation at kasama si Tris mag libot sa loob ng campus.

Nakasimangot naman akong nakasunod sa kanya na paminsan minsan kinukuha ang camera sakin para kumuha ng pictures sa mga nadadaanan naming booth at officers na sobrang busy.

Nang mag simula ang program sa gym sobrang naging busy nya sa pagkuha ng mga pictures kaya umalis na muna ako para bumili ng inumin namin tsaka muling bumalik sa tabi nya.

“Ohh” pag aabot ko sa kanya ng binili ko.

Kinuha naman nya at ininom bago umupo sa tabi ko.

“Salamat. kailan ka bumili nito?” tanong nya pag tapos uminom.

Nilapag ko muna saglit ang inumin ko sa gilid bago kumuha ang panyo ko sa bulsa at binigay sa kanya.

“kanina, busy ka masayado kaya di mo napansin.” Sagot ko bago kinuha ang kamay nya para ilagay duon ang panyo ko dahil nakatingin lang sya duon habang binibigay ko.

Kinuha ko uli ang inumin ko bago humarap sa kanya at napapantastikuhan na tiningnan ko sya dahil hindi parin sya gumagalaw sa pwesto nya at nakatingin lang sa panyo na binigay ko.

Tinaasan ko sya kilay “wag kang mag alala hindi ko payan nagagamit.” Baka yun ang inaantay nyang sabihin ko kaya hinsi nya pa ginagalaw ang panyo na binigay ko.

“hindi sa ganun ano..ahmm..kasi..” tinaasan ko sya ng kilay dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

Tumkhim sya bago pinampunas ito sa pawis nya.

“Wala..salamat kako”
Hanggang sa matapos ang program sa gym ay kumuha lang sya ng kumuha ng lirato at minsan ay binibigay nya sakin para ako naman ang kumuha.

Dumiretso kami sa canteen at hihiwalay na sana ako sa kanya dahil nakita ko sila Tris at Zapp na magkasama kumaway sila ng makita ako at sumenyas na dun nalang ako maupo pero ng aalis nako may humila sa kwelyo ng damit ko sa likod at hinila ako para sumama sa kanya.

Nakita ko naman an muka ng dalawa na hindi makapaniwala sa nangyari.

They gave me a questioning look.
“I’ll explain later” I mouthed to them.

Padabog kong nilagay ang tray ko sa ibabaw ng lamesa at umupo bago ko sya binalingan

“Anong problema mo hindi pwedeng sumama sa mga kaibigan ko? Lunch na ikaw parin kasama ko?” singhal ko sa kanya.

Naiinis nako at konti nalang ay masasapak kona sya.

“Slave kita ngayong araw kaya sakin ka dapat nakadikit pano pag may iuutos ako sayo at malayo ka alangan naman na isigaw ko na slave kita.” napaisip din ako sa sinabi nya ayaw ko na malaman ng lahat na slave nyako kaya nanahimik nalang ako at sabay na kaming kumain.

Habang  kumain may nareceive akong chat galing kay Tris at Zapp. They mention me in our group chat.

Tris: The hell Lynn what’s the meaning of that bakit kayo magkasama at bakit ka nya hinila kanina?

Zapp: Nag aaway ba kayo? Nakikita ko na naiinis kana. LQ ba kayo?

My eyes widen.

“What? anong lq tigilan nyoko I’ll explain later.” Then I hit sent.

Rie: Anyare sayo bakit kayo daw magkasama? Kasasabi molang na hindi ka maiinlove tapos kasama muna. Kayo naba? Malandi ka hahaha.

Napahilot ako sa sintido ko ng mabasa ang chat ni Rie i know that she's still in her class but she's replying to our conversation just to tease me.

“Tigilan nyoko explain ko mamaya”
Hinanap ng mga mata ko ang pwesto ng dalawa at nakita ko may mapangtuksong ngiti sa mga labi nila.

Pinanlakihan ko sila ng mata pero umiwas sila ng tingin at tumungo, nakita ko na nagtatype sila.

Tris: Nakatingin samin bebe mo.

Zapp: Magusap na kayo. Ayusin nyo relasyon nyo hahaha.

Hindi nila ako tinigilan hanggang sa matapos kaming kumain natahimik lang ang cellphone ko ng makita ko silang tumatakbo paalis ng canteen dahil nakita nila ang mga officers ng jail booth kaka announce lang kasi na naka white shoes ang huhulihin nila kaya tumakas sila.

Naglalakad kami ng ulupong na kasama ko ng may may maramdaman akong nagposas sakin kaya lumingon ako at nakita ko ang officer ng jail booth na pinosasan din sya.

“teka bat naman ako may inanounce naba na bagong huhulihin?”
pagrereklamo ko sa kanila kasi naman wala akong narinig edi sana tumakas din ako.

“oo Lynn couple naman ang huhulihin. Sakto kayo agad ng boyfriend mo ang nakita namin ayaw mo nun nakakulong lang kayong dalawa masosolo nyo isa’t isa.” Nakangising sabi ng officer na kilala ako.

Nakangiwi lang ako habang naglalakad and realization hit me.

Boyfriend? Si Rob? WHAT THE HELL!!

********

Someone Chasing Special LoveWhere stories live. Discover now