Chapter 3

12.7K 344 37
                                    

**Maging OPEN MINDED po kayo. KAILANGAN na 'yon NOWADAYS! XD

Skye's POV

Naririto kami ngayon sa bahay nila Star for a review. May grand oral recitation kami bukas at hindi namin dapat ipagbalewala 'yon. Mabuti na lang at wala si Sun. Sun is Star's brother, my first love who had played with my heart. By the way, Jay Sun Herdez was his complete name.

'Wag niyo na lang pansinin ang mga pangalan namin. Sisihin niyo si LYtein for giving us these weird names!

Napalingon kami sa biglang pagbukas ng front door nila. Si Moon lang pala.

"Hey, ate star!" Masayang bati niya kay Star at magiliw na binigyan ito ng mabilis na halik sa magkabilang pisngi. "Hello, Skye. You're gorgeous as ever." Binigyan ko lang siya ng ngiting matipid.

"Oh, masaya ka na dahil nakita mo na ulit crush mo?" Nanunuksong tanong agad ni Star sa kanya matapos niyang maupo sa tabi nito.

"Oo, hindi kumukupas, ang gwapo pa rin ng kapitbahay niyo eh." Masiglang sagot ni Moon sa kanya.

May crush itong si Moon sa kapitbahay nila Star? Why don't I know? Maybe it's just between them. I should not interfere.

"Malandi ka talaga. So nasaan na 'yong mga pagkaing ipinadala ko sa'yo?"

"Kiss muna?" Moon was pouting for star's kiss.

Aww. Ang sweet ng mag pinsan.

"Sa cheeks lang ha! Ayokong sa'yo mapunta first kiss ko!" Star starts moving closer to Moon saka dahan-dahang inilalapit ang mga labi sa kanang pisngi nito. 4...3...2... inches...

"Sandali lang ha? Ba't naman kita kailangan pang ikiss when in fact kundisyon ko na nga 'yang pagpapadala ko sa'yo ng pagkain para lang makita mo si hmmmmmfffpppttt-"

Di na natapos pa ni Star ang sasabihin dahil agad tinakpan ni Moon ang bunganga nito. "Ano ka ba naman ate star, ginu-good time lang kita, kumagat ka naman! Kahit kailan ang OA mo talaga! Haha!"

Napapailing na iniwas ko na lang ang tingin sa dalawa saka nagpatuloy sa pagmememorya.

Tumigil naman ang dalawa sa pagkukulitan ngunit makaraan ang ilang minuto ay nagsimula na namang mangulit si Moon kay Star.

"Ate star, nanaginip ako kagabi."

"Oh tapos?"

"Wala lang. Nakakadiri kasi."

"Edi wow. Manahimik ka nga dyan! Nag-aaral kami ni Skye!"

"Alam ko pero kasi ang panget ng panaginip ko talaga kagabi. Sobrang nakakadiri."

Napatingin ako kay Moon. Ang kulit niya kasi. Ang kyuuut! Magkasing edad lang kami pero 'di naman maikakailang mas matured ako mag-isip kaysa sa kanya.

"Wala akong panahon alamin 'yang walang kwenta mong panaginip!" Naiinip na sagot ni Star kay Moon.

Gusto kong tumawa... talaga. Kasi ang ganda talagang asarin ni Star eh. Pero baka magalit sa akin kapag 'di ako nagpigil.

"Kailangan mong malaman ate star!"

"Ano bang kinalaman ko kasi diyan? Kita mo ngang nagco-concentrate ako rito oh!"

"Eh kasi..." Nag-aalanganing sagot ni Moon.

"Eh kasi ano?" Pilit ni Star dito.

"Eh kasi ano... Ikaw kasi. Ano. Ikaw..."

CROOK THE STRAIGHT 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon