Nandito na ako ngayon sa room namin. Nakasandal ako dito sa couch habang nakatingin sa dagat. Kanina pa hindi mawala sa isip ko ang pagtawag sa'kin sa totoo kong pangalan ni Walter. Bakit niya ako kilala samantalang Sam naman ang pakilala ko noon kay Jake sa bar.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jake. Tinignan ko siya at lumapit naman siya agad na tila ba alam niyang may sasabihin ako sa kaniya.
"Did we meet before, aside from our encounter at the bar?" I asked him. Tinignan niya ako at mga ilang minuto bago siya sumagot ng "No".
"I don't remember introducing myself to Walter as Angel."
"And?" tanong niya.
"Did we met before in the Philippines? You and Walter?"
"Nope, you are so drunk at the bar so I need to get you home. Walter is with me that night. I checked on your Id to know where your house is," sagot niya. Agad naman akong tumango.
"Let's join them outside," aya niya sa akin. Tumayo na din ako at agad sumunod sa kaniya sa labas.
May hinanda sila na bonefire,may gitara pa sila at ilang beer.
Umupo ako sa bakante na part na bubuo sa paikot sa bonfire. Tumabi naman sa'kin si Jake."Angel, sing for us," wika ni Walter.
"Okay," bibo kong sagot kahit ngayon ko pa lang sila nakasama. Kinuha ko ang gitara at sinimulan ng mag-strum. Kakantahin ko ang Dream about you rock version.
There was a time in my life
when I opened my eyes
and there you are
You were more than a dream
I could reach out and touch you
boy that was long ago
There are some things
That I guess I'll never know
When you Love someone
You got to learn to let them go
When I dream about you
That's when everythings alright
You're in my arms
here next to me forever
When I dream about you
Boy you never go away
Just close my eyes
wait for my dreams
cause I still love, loving you"wow," puri nila sabay palakpak. Nakita ko naman si Jake na napakaseryoso ng mukha at parang may malalim na iniisip.
"So, Angel. Mahal mo pa ba?" tanong ni Walter. Kunot ang noo ko ng bumaling sa kaniya.
"Who?" lito kong tanong sa kaniya.
"Sa kanta mo kasi, parang may pinaghuhugutan ka."
"I just like that song," sagot ko.
"Mapagparaya ka pa lang magmahal?" tanong ulit ni Walter.
Natawa naman ako."Hindi mo naman puwede ipilit ang sarili mo kung ayaw na sayo," sagot ko at mapait na ngumiti.
"If it's worth fighting for, why not?" usal ni Jake. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"I don't think so, if it's one love sided. It's worthless," sagot ko din.
"You think so?" sagot niya. Nakita ko naman ang mga kasama namin na mataman kaming tinitignan habang nagpapalitan ng kuro-kuro.
"As if naman alam mo ang love noh?" natawa kong saad. At tinignan siya. Tinignan din ako ng mataman.
"Yeah, woman come to us with legs open wide," singit ni Walter na tumatawa. Pero agad ding tumahimik ng batuhin siya ni Jake.
"Asshole," mura niya sa kaibigan.
"What? Totoo naman ang sinabi ko ah. Huwag kang magpanggap sa harap ni Angel," pang-aasar pa rin ni Walter. Nakakatawa silang tignan na magkulitan. Mga half american sila pero magaling pa din mag-tagalog.
Inabutan ako ng beer ng mga kasama namin na babae. Agad ko naman itong tinungga. Naalala ko pa dati, hindi naman ako umiinom. Ibang-iba na ngayon na kasama na sa buhay ko ang alak. Isa ang alak sa mga naging karamay ko sa mga gabing umiiyak ako dahil nasasaktan pa din ako sa nangyari.
Para makatulog ay iinom ako. Hanggang sa nasanay na ako at nagiging malakas ng uminom. May pagka-relihiyoso ang lolo at lola ko. Sa bahay naman ay pinalaki kami ni ate na malumanay kumilos. Bawal dungisan ang pangalan ng pamilya dahil kilala ang mommy sa pagiging pilantropo nito. Kung kaya naman ay inaayon ko ang kilos ko sa pangalan ko. Kulang na lang ipasok ako sa kumbento upang mag-madre dahil sa gusto ni mommy na asal ko.
"Truth or dare?"
Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang naghiyawan na mga kasama ko. Nakita ko na nakaharap ang bote ng beer ngayon kay Jake."Dare," walang gana na sagot ni Jake.
"Kiss Angel," sabay-sabay nilang sambit na akala mo'y napag-usapan nila ang bagay na 'to.
"H-huh?" kabado kong tanong.
"It's just a game," sagot ni Walter. Tinignan ko si Jake na nakatingin na ngayon sa'kin. Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya napapikit na ako. It's just a game. And we've kissed before. Dalawang beses pa.
Naramdaman ko ang paglapat ng bibig niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na akala mo ito ang first time kong mahalikan.
Narinig ko ang pagbilang nila. Napamura ako sa aking isipan dahil may bilang din pala ito.Naramdaman ko na gumalaw ang labi ni Jake. At pakiramdam ko nadadala ako sa mga halik niya. Kumapit ako sa kaniyang damit at sinuklian ang halik. Pero narinig ko ang hiyawan ng lahat.
"Shall we count more?" tanong ni Walter na nagpabalik sa'kin sa wisyo. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa damit ni Jake. Tinulak ko pa siya bahagya at yumuko.
"That's okay, Angel," wika ni Marie na nakangiti.
"Ang pogi mo," panunudyo naman ni Walter kay Jake. Umiling lang si Jake at may multo ng ngiti sa kaniyang labi. Nahiya pa din ako. Ano bang pumasok sa isip ko at naging mapusok ako sa harapan pa ng ibang tao. Nakakahiya ka, Angel. Ang halay mo na. Kastigo ko sa sarili ko.
Tinungga ko ang alak at nakitawa na din sa mga kalokohan na ginagawa ng mga kasama namin. Mukhang wala lang naman sa kanila ang nangyari. Ako lang itong nag-overthink.
Naramdaman ko ang paglapat ng maliit na blanket sa likot ko. Lumingon ako at nakita ko si Jake na inaayos ang blanket sa aking balikat.
"Thanks," bulong ko.
BINABASA MO ANG
Worth the wait || INCOMPLETE
Romance⚠Story contains mature contents! Dahil hindi niya maibigay ang kaniyang pagkababae -- hiniwalayan at pinagtaksilan siya ng kaniyang nobyo. Para makalimot sa sakit na dulot ng pagtataksil sa kaniya ng dating nobyo ay lumipad siya ng America upang d...