Proluge: "kakatayin ko ang lalaking lalapit sayo" dinig kong saad ni Terrence sa kabilang linya.Takot at nangingig kong binaba ang tawag. Tatlong taon na siyang patay! Bakit hanggang ngayon ay nagpaparamdam paren siya? Gusto ko siyang makita ulit! Oo,alam ko yun! Ngunit,nag-iba na siya.Mula sa isang mabait at responsabling ama at asawa ay naging isang napaka bangis na ngayon.Pinapatay niya ang lahat ng mga lalaking lumalapit sakin.Pati mga kaibigan ng anak namin ay dinadamay niya.Napaka higpit niya saming dalawa ng anak nya.At 0o,mahal ko parin siya at aaminin ko yun! "mommy,bat ka umiiyak?" naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Erica sa likod ko,ang anak namin. "wala anak" agad kong binuhat ang aking prinsesa at dinala sa kanyang sariling kwarto. "sleep na ha?" kailangan ko na siyang patulogin lalo na at bibisita nanaman ang kanyang ama mamaya,at ayaw kong magkita sila.Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang