Halos mabaliw si Lyn Siega ng nalaman niyang tinangay ng kaibigan niyang si Marlou ang milyong-milyong pera na na-invest niya sa company nito. Kaya naman halos lahat ng lugar na alam niyang pupuntahan nito ay pinuntahan niya hanggang sa maligaw siya sa isang liblib na resort sa Badian, Cebu. Ang Paradise Resort na pagmamay-ari ni Makki Quijano na unang kita pa lang niya sa binata ay parang gusto na niyang ikulong ang sarili niya sa maiinit na yakap nito. Nasa binata ang lahat ng impormasyon na kailangan niya para makita at makuha niya ang pera niya sa kaibigan kaya lahat ng gusto nitong kundisyon ay tinatanggap niya. Wala sa mga kundisyon ni Makki ang mahalin niya ito pero bakit nahulog na yata ang damdamin niya sa binata? Mukhang sa una pa lang, siya na agad ang dehado dahil una niyang minahal ito.
10 parts