Kapag nagmahal ka, minsan kahit alam mong mali... susugal at susugal ka. Ganoon ang ginawa ni Genel nang magkaroon ng pagkakataon. Gumawa siya ng palabas para paghiwalayin si Earl at ang girlfriend nito, ngunit ang kunwarian ay naging totohanan. Ngayon wala nang kawala ang binata sa mga kamay niya. Dapat ay maging masaya si Genel, ngunit nangibabaw sa puso niya ang takot. You can't make it feel right when you know that it's wrong... Ang lahat ng mali ay may consequences. Kaya naman nang sumapit ang araw ng kanilang kasal, hindi siya sumipot sa simbahan. She ran away from, Earl. She ran away from love.