Marami ang may gustong makakita ng mga multo, anghel at demonyo ngunit ni isa ay wala pa silang nakita. Ako? Ayoko silang makita. Takot ako sa kanila. Pero sa dinami-raming nag-aambisyon na makita ang mga multo, anghel, demonyo at elemento na iyan, bakit ako pa!? Ako raw ang hinirang, ang nakatadhana, ang the chosen one, sabi ng matanda na may dalang karit at nakasuot ng itim na balabal. Ako pa talaga ang nagpagtripan ng isang matandang avid fan ni Kamatayan. Ba't ako? Ako si Stephen del Purgatorio. I am the Keeper.