I am the Keeper

50 12 13
                                    

Kumunot ang noo ko sa aking nakita. Isang regalong may pulang balot ang nakalutang sa aking harapan. Gamit ang aking kamay, I checked kung may tali ba ito sa ibabaw. Wala. I checked sa ibaba naman pero, again, wala rin. Kamangha-mangha! Magic?

"Kunin mo na. Bilis." Utos sa aking ng matanda na nakabalabal ng itim at may karit pa sa kanang kamay.

Kinuha ko ang regalo at tinitigan ko muna ito. Napakaimposible namang lumutang lang ito sa ere. Malamang may kung anong Physics trick itong matandang avid fan ni Kamatayan.

"Anong gagawin ko rito?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"Edi itapon mo," sarkastikong sagot nito.

"Ha? Sure?" naguguluhan ako.

"Argh!" napapalo siya sa kanyang noo, "Engot ka nga. Binigyan kita ng regalo kaya buksan mo! Di ka ba talaga nag-iisip?" naiinis na ang matanda sa akin.

Napalunok ako,"Ok."

Dahan-dahan kong binuksan ang regalo. Ayokong mapunit yung gift wrapper kasi sayang...

"PUNITIN MO NA LANG KASI!"

Naging motivation ko ang singhal niyang iyon kaya mabilis kong pinunit ang gift wrapper para makita ko na ang laman. Isang itim na box iyon. Binuksan ko ito at nagsingkit ang mga mata nang nakita ko ang isang ballpen. Itim na ballpen.

"Gamitin mo yan para sa una mong misyon," kaswal niyang sabi. "Patayin mo siya gamit yang ballpen na yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Malaki ang pagbuka ng aking bibig pero wala akong nasabi. Napakamot pa ako sa ulo ko. Ako? Papatay?

Tinawanan niya ang reaksyon ko lang. "Natural lang na magulat ka. Wag kang mag-alala, masasanay ka rin."

Huminga ako nang malalim at hinanap ang mga salitang dapat kong sabihin, "Ayokong pumatay ng tao!" mabilis kong sabi, "Ayokong pumatay! Kasalanan iyon! Makukulong ako!" Nakakapraning lang talaga.

Tumigil siya sa pagtawa, napatitig sa mga mata ko at may asar nang bumuka na ang bibig para magsalita, "Sira ulo ka talagang bata ka. Sino'ng nagsabing tao ang papatayin mo?"

I am the KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon