Ang buong akala ni Farrah ay sa paglayo niya ay makakalimutan na niya ng tuluyan ang Ex-boyfriend na si Damon. Subalit hindi niya inaasahan na sa pagbabalik niya ay mas lalong titindi ang pagmamahal na narramdaman niya para dito. Hindi niya lubos akalain na ang babaeng ipinalit sa kankya ni Damon ay walang iba kundi ang kniyang Ate Eerah Mas lalong tumindi ang pagnanasa ni Farrah na makaganti kay Damon at mailayo ang lalaki sa Ate niya. Subalit dala ng galit na iyon ang siyang magtutulak kay Farrah upang magawa ang bagay na hindi na niya dapat ginawa pa.