Grupo lang kami ng mag-aaral sa isang normal na High School. Tahimik kaming nag-aaral, gumagala, at iba pang normal na gawain ng mga highschool students. Pero naging magkaibigan kami hindi dahil nag-aaral kami sa isang paaralan. O dahil pareho ang mga hilig namin. Nag-click kami dahil pareho ang kapalarang ibinigay sa amin. Kung hindi malayo, iniwan naman ng pamilya. Kami na lang ang dumidiskarte para magpatuloy sa kung anoman ang hinaharap namin. Hanggang sa dumating ang isang offer mula sa Alkalde ng Lungsod ng Haena. Na nakapagpabago sa takbo ng buhay naming lahat. Hindi kami gangster. Ngunit kinailangan namin upang matupad kung ano man ang naiatang sa'min. Kahit na walang kasiguraduhan sa hinaharap ay tinanggap namin ang alok na iyon at sa puntong 'yon... Nagbago ang lahat.
3 parts