Si Cianna ay isang ordinaryong student sa Business Management na ginagawa ang lahat para maipagmalaki ng magulang . Ang paborito niyang lugar ay ang parke malapit sa school, madalas siyang pumupunta duon dahil bukod sa asul na langit ay pinagmamasdan niya rin ang lalaking madalas na pumupunta sa parke. Ang lalaki ay may dalang puting rosas, araw araw ito sa paborito niyang puwesto sa ilalim ng puno ng mangga, para bang may hinihintay siya roon. Sa loob ng tatlong buwan ay ginusto niyang makita ang lalaki sa bawat araw, mula sa malayo. Nagulat na lamang siya ng makita ang lalaki sakanyang school, isang guro sa pinaka ayaw niyang subject. Anong gagawin ni Cianna kung malapit na si Atlas sakanya? Ang lalaking gusto niya ay nakikita na niya sa malapit, pero hindi naman siya ang nakikita nito. Kuntento na siyang, mahal niya ito mula sa malayo, kahit hanggang tanaw nalang ang magagawa niya