Sa magulo kung isip nais kong magkwento kung anung klaseng buhay ng meron ako pero paano ko maikwekwento kung halos di ko matandaan ang aking kabataan. Di ko maalala kung gaano ako kasaya at kalungkot noon. Kung paano namuhay ang mga magulang ko kasama kami ng mga kapatid ko. Paano ko sisimulan ang pagkwekwento kung ang mga alalang nasa isip ko ay limitado. May mga naalala ako pero di ko mapagkatiwalaan. Halo-halo ang mga imahe na naglalaro sa isip ko. May masaya, may malungkot at di ko makakalimutang sakit. Sobrang gulo di ko alam kung anu ang paniniwalaan ko. Ito kwento na to ay base sa tunay na nangyari sa buhay ko. Sana ay magustuhan nyo at maunawaan ang kaguluhan ng kwentong ito. ikwekwento ko kung anu ang maalala ko sa aking naging buhay sa loob ng 33 years. Salamat.....