Hindi patas ang batas. Ang hustisya ay umiikot lamang sa palad ng mayayaman at makapangyarihan. Sa masaker na nangyari sa pamilya ni Anna Layia, ang mga Del Griego ang itinuturing na salarin. Gayunpaman, ang kalaban ay masyadong maimpluwensya at ito ay katumbas ng isang matibay na pader na kaniyang babanggain. Magagawa ba niyang durugin ito kung ang nakaharang ay ang kaniyang kahinaan? Pagkakaibigan laban sa paghihiganti, galit laban sa pag-ibig. Alin ang mas matimbang? Alin ang mas mananaig?
7 parts