Anna Layia's POV
***December 31, the day before the new year. A calm and serene day, awaiting the dawn of change...
Pitong taong gulang pa lamang ako no'n at sariwa pa sa aking isipan ang araw na iyon... ang araw na hinding hindi ko makakalimutan.
The whole family was there, ang pamilyang Montejar—respected and admired by all. The family that exuded wholesome perfection, masking a dark truth beneath their idyllic facade.
***
KAMING lahat ay nasa labas ng malaking bahay ng aking Lolo at Lola. It's a vintage Mansion but newly renovated. Noong nasa Canada pa kami, madalas kong tingnan ang litrato ng bahay. Mukha itong haunted pero nang makita ko na ito sa personal ay napamangha na ako sa ganda. Mayroon itong bifurcated staircase sa labas ng harap ng bahay na nakakonekta sa malawak na veranda ng ikatlong palapag.
Ang paanan naman ng hagdan ay pinagitnaan ang malaking fountain na siyang center of attraction pagbungad pa lang sa gate.
Dito ako tumambay habang kandong ang asong regalo ng Lolo ko, si Listo. Naaaliw akong pagmasdan ang maliliit na agos ng tubig sa fountain dahil walang ganito sa bahay namin sa Canada.
"That's foul, Bren!"
Nilingon ko ang aking mga pinsan, sina Brennan, 13, at Baron, 10, na masigasig na naglalaro ng basketball sa harap ng bakuran, kung saan pinagawan ng court ni Lolo para sa kanila. Halos magkakapikunan na ang mga ito pero mayamaya lang ay nagkatawanan na ulit.
Kasama nila si kuya Runin, ang panganay kong kapatid na kaedad lang din ni Baron. Samantalang ang mga nakatatanda naman ay nasa terrace, nagtsatsaa at masayang nag-uusap.
Nakaramdam ako ng antok dahil sa magaan na simoy ng hanging parang sumisipol sa tainga ko at hinehele ako sa bawat paghihip nito. Ngunit dinaig iyon ng masiglang ingay mula sa halakhakan at biruan ng aking buong pamilya.
Sobrang saya nila na para bang iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay namin—until a man in early twenties walked in. Ang lahat ng masasayang tawanan ay biglang naglaho.
"Merry Christmas sa inyong lahat!" masiglang bati nito na siyang umagaw ng atensyon naming lahat.
He looked like a bandit in the movies. He was wearing a black shirt topped with a black leather jacket, black cap and black pants paired with black boots.
Natahimik ang mga matatanda at lahat ay nakatingin dito.
Nagsitigil din ang aking mga pinsan. Si kuya ay wala sa sariling nailaglag ang bolang hawak niya habang nakatingala sa lalaki. Tumalbog iyon sa malayo.
"A complete and happy family, eh? Have you ever missed me?"
He's like a younger version of my dad. His nose was also sharp and beautiful but his bold eyes and sarcastic smiles caught my attention the most.
"I'm sorry, but do we know you?" may tunog pangungutya na tanong ni auntie Cara, ang nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid.
"Don't be too rough, ate Cara. By the way, congrats. I just hope you don't regret marrying that Chinese."
"Shut up, Bruno!"
"OH! I thought you didn't know me!" Pagak na tumawa ang lalaki na tila ba inaasar pa si Auntie Cara.
"Enough," saway ni Lolo na bagaman abot ang dalawang kilay ay nanatili pa ring kalmado. Bumaling siya sa lalaki. "What are you doing here, Bruno?"
"Am I not welcome here anymore, papa?"
BINABASA MO ANG
The Masked Truth
ActionHindi patas ang batas. Ang hustisya ay umiikot lamang sa palad ng mayayaman at makapangyarihan. Sa masaker na nangyari sa pamilya ni Anna Layia, ang mga Del Griego ang itinuturing na salarin. Gayunpaman, ang kalaban ay masyadong maimpluwensya at ito...