My hands trembled as I hesitantly reached out to grasp Mommy's hand on the stairs, unsure of what to do. I yearned to hold it, but fear gripped me. I felt so helpless alongside my loved ones who were no longer breathing.
Suddenly, someone grasped me and covered my mouth. Startled, I struggled and tried to break free, desperate to release the scream building inside, but the person's grip was too strong. I couldn't escape!
"Ssh! It's me, uncle Bruno!"
Napatigil ako sa pagpumiglas at napatingala sa lalaking nakayakap sa akin.
"Uncle Bruno!" Nawala ang aking takot at nagkaroon ng lakas na ilabas ang aking emosyon. Yumakap ako sa kanya sabay hagulhol.
"Ssh...calm down now. You're safe. I'll get you out of this place," bulong niya sa akin saka niya ako kinarga.
Lumabas kami ng mansion at patakbong binaybay ang gubat sa likurang bahagi hanggang sa marating namin ang dulo no'n kung saan nakapark ang kanyang sasakyan.
"I'm sorry I wasn't able to protect them," pahikbi kong sambit.
~~~End of flashback
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, pilit na pinipigilan ang lungkot at pangungulila, habang yakap ang aking mga tuhod. Sinisisi ko ang aking sarili dahil wala akong nagawa. Nandoon ako pero hindi ko sila natulungan. Bakit kailangan nilang mawala nang sabay? Bakit hindi nila ako isinama?
Bakit hindi ako kasama?
"I'm sorry, guys. I'm sorry! Hindi ko kayo naipagtanggol..."
"Hanggang ngayon ba'y sinisisi mo pa rin ang iyong sarili?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Tiyo sa bunganga ng pinto ng aking silid. Agad kong pinahid ang aking luha saka yumuko.
"Alam mo ba na sa tuwing naririnig kitang sinasabi ang mga salitang iyan ay 'di ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko?" pagpatuloy niya.
Tiningala ko siya at nakita ko ang pagsilay ng lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi rin iyon nagtagal at unti-unting napalitan ng galit.
"Anna, the blame lies solely with those who murdered our family! Sila ang dahilan kung bakit maaga kang nawalan ng mga magulang. They're the ones responsible for our suffering! 'Yan ang tandaan mo!"
Bumagsak ang isang butil ng luha mula sa nanlilisik niyang mga mata. Ang mga kamay niya ay nanginginig at mahigpit na nakakuyom, ipinapakita ang galit na nag-uumalpas.
Tama si tiyo Bruno. Walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi ang mga taong sangkot sa pagkamatay ng aming pamilya!
"Matulog ka na," aniyang bigla na lang kumalma. "Bukas ay magsisimula ka nang maningil."
'Bukas ay magsisimula ka nang maningil, Anna!' Napatango ako sa sarili.
Maraming buhay ang inutang nila kaya doble-doble rin ang ibabayad nila!
***
KINABUKASAN ay ginising na naman ako ng parehong bangungot ngunit hindi katulad noon, hindi na kalungkutan ang dala ko sa aking pagbangon kundi determinasyon!
Mula sa pagkakaahon sa kama, tuwid akong tumayo at humarap sa bintanang gawa sa makapal na tabla saka marahang binuksan ito. Sumalubong kaagad sa akin ang malamig at preskong simoy ng hangin sa umaga. Napapikit ako at ninamnam ang bawat pagdampi no'n sa aking balat. Ilang saglit pa'y nagmulat ako at tinanaw ang makapal na kakahuyang nakapaligid sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Masked Truth
ActionHindi patas ang batas. Ang hustisya ay umiikot lamang sa palad ng mayayaman at makapangyarihan. Sa masaker na nangyari sa pamilya ni Anna Layia, ang mga Del Griego ang itinuturing na salarin. Gayunpaman, ang kalaban ay masyadong maimpluwensya at ito...